03 (pt 2)

27.6K 281 25
                                    


Chapter 3: Misunderstood

"Honey, Sino yan?" I heard him ask.

Honey?! Honey talaga?! Nambababae ba si Sed?! At talagang ito pang haliparot na babaeng 'to ang napili niya?

Agad ko naman narinig ang yapak niya patungo dito sa puwesto namin.

Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon niya. Parang gulat pa siya.

"Sir, sino ba 'to?" Iritang tanong ng babae.

"H-Hon," usal niya. Tila ba kabado siya.

"Sir, paalisin ko na--"

"No." He says. At iminuwestra niyang umalis ang babae.

"Sir, sino ba siya?" Tanong ng babae saka kumapit kay Sed.

What the heck?! Sa harap ko pa talaga at ng anak namin?!

"Mommy, Si dad." Usal ni Nathan.

"Kids, pasok muna kayo?" Sed told them.

Pilit ngiti namang sumunod ang mga bata at walang anu-ano'y pumasok rin sila.

"Sir, sino ba 'to?!" Halos kumalampag na sabi ng babae.

Mas lalong kumulo ang dugo ko. Maglalandian na nga sila, sa harap ko pa?!

"Please, Honey, Doon ka na muna." Nakapikit na utas ni Sed.

Umungol ang babae sa inis. At halos ibagsak na ng babae ang paa niya pagkaalis.

Hinarap ko si Sed na nanlilisik ang mga mata. Asshole.

"Hon--"

"Who's She?"

"She's my--"

"Is she a third party? Sed may anak at asawa--"

"I know--"

"Then, why the fck are you calling her Honey?!" I almost yelled.

Kinalma ko ang aking sarili, at tinignan siya na kasalukuyang nakatitig saakin.

"Hon, Siya ang Secretary ko." He broadcasts.

Secretary? Or Sexytary? Nagsisinungaling ba siya?

"Secretary? Parang ako lang noon ah.." nakangising sabi ko habang tinignan ang mga batang naglalaro.

"Hon, Iba ka naman--"

"Yeah, Iba ako sakanya." Walang emosyong sabi ko.

"I mean, you're different." He says.

He moves closer to me. And then suddenly cupped my face. He looked at me intensely. I felt my heart pound. Walang pinagbago ang mga ipinaparamdam saakin ni Sed.

"You're different, kasi nagiisa ka lang." He sweetly says.

Ugh! Hindi dapat ako magpadala sa ka-cute-an niya!

Feeling ko teenager ako!

"I'm still mad." I told him. Tinanggal ko ang kamay niya sa pisngi ko.

Ramdam ko ang init ng pagtitig niya saakin. Napatingin naman ako sa malayo. Nakaka kaba ang mga titig niya.

Pero ramdam na ramdam ko ang pagkahiya sa dinagdag niya.

"Hon, She's just my secretary. Her name is Honey."

Romance With My Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon