26

8.8K 118 9
                                    

Chapter 26: Surprise?

"I am expecting for an adequate upshot." Mahinahon kong sabi sa kanila.

Tumango sila't kampanteng nagsalita. "As you please, Madame."

I hired an investigator to check the backgrounds of Klare. Who heck is Klare anyway?

She's a bitch who fvcking dared to steal my husband away from me and my kids. I will let her, pero sa ngayon lang ito.

I bared all the grief and stayed strong for my kids, our kids.

Nagtungo na palabas ng office ang mga professional investigators na kinuha ko. They are skilled and are from high class institute.

Itinuon kong muli ang atensyon ko sa mga ginagawa ko.

Hindi siya magaling magtago ng katauhan niya. At saka para saan at ginawa niya iyon?

Galit ba siya saakin? Napasabunot nalang ako, just by thinking of her frustrates me a lot.

*

Lunch came. Marami pa akong ginagawa sa office. I need to finish all of the paperworks para wala na akong gagawin sa weekend. Hindi na ako makakalabas ng office para kumuha ng kakainin ko.

Halos magulantang ako nang bumukas ang pinto, at iniluwa n'on si Honey, assistant ni Sed. Right?

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo." She formally said.

"Sino daw?" Tanong ko naman.

"Mr. Paul Calic To. Wala po siyang appointment sa inyo." Aniya.

"Sige papasukin mo." Walang emosyong tugon ko sakaniya.

Tumango nalang siya at muling lumabas. Ilang sandali pa ay ngingiti-ngiting pumasok si Calic.

"What is it, Mister?" I asked him with a smirk on my face.

Itinaas niya ang dala niyang paperbag. Napatingin naman ako doon. Kumunot ang noo ko, anong trip nito?

"Ano 'yan?" Tanong ko.

"Food." Diretsong sagot niya.

Oh. Wow. Sakto!

"Lunch, right?" Aniya pa.

Nakangiting um-oo nalang ako. Inilapag niya ang dala niyang pagkain sa mesa at inunahan ko na siyang buksan iyon.

Hmm, what a great timing it is. Saktong-sakto lang ang pagdating ni Calic.

For I cannot starve myself and the growing life inside of me.

*

We bid our goodbye to each other bagp siya umalis. Lunch went good. Nagkuwentuhan kami tungkol sa business and our life status, which mine is horribly messed up.

Not really but, when it comes to that woman, it really is messed up.

Calic is a good man. Mabait naman siya, he's good in business industry, sabi pa nga niya'y he's currently single.

And we just laughed it out.

Malapit na rin akong matapos sa mga ginagawa ko, siguro by 4pm or 5pm matatapos ko na rin ito.

Inatasan ko nalang si Nanay Opelia na sunduin ang mga bata kasama ang driver. I need to finish these, para makapag-bonding kami ng mga bata nang mas madalas these coming weeks.

Nang matapos ko ang aking mga ginagawa ay inayos ko na rin ang table. I was about to leave the office when I received a message.

Binuksan ko ang phone ko at nakitang si Sed iyon.

Sed: Dinner? My treat.

My lips twitched. Wow, nakalimutan ba ni Klare na ipainom ang gamot niya. At nagawa niyang alalahanin ako, saka imbitahin for dinner.

Besides, how can a witch forget that?

Ako:  Sure.

Walang pagdadalawang isip kong sagot.

Bumaba na ako ng office, at nagtungo sa
Parking lot. Halos magulantang ako nang makita ang isang bulto ng matipunong lalaki na nakasandal sa kaniyang kotse.

It was Sed.

"Oh? Hindi mo sinabi?" Tanong ko.

"A surprise, though." He said as a smirk appeared on his face.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka ako pumasok sa passenger seat sa harap. Agad siyang tumakbo at nagtungo sa driver's seat. He started the engine abruptly.

"Where to?" I asked.

"Hmm, I made a reservation in Ippon Yari." Sagot niya habang ang tingin niya'y nasa daan.

It is a fancy japanese resto. Look baby, sakto ang timing ni daddy, I was craving for japanese food lately. Isip kong kausap ang buhay sa loob ng tiyan ko.

It is almost 4 straight months, medyo lumalaki na rin ang tiyan ko. Pero hindi nahahalata ng mga tao, including this man, dahil na rin maluluwag ang sinusuot ko.

"So,. Where is Klare?" I asked out of the blue.

"She went outside, and is probably having dinner with a man right now." Walang emosyong sagot niya.

With a man? The hell. Hindi niya man lang ba inisip kung magtataka si Sed? At sino naman ang lalaking kikitain ng babaeng iyon?

Ilang minuto pa ang nakalipas ay narating din namin ang Nuvali dito sa Laguna, where the resto's location is.

Akmang bubuksan ko ng ang pinto nang hawakan ni Sed ang balikat ko.

I looked at him. His eyes bore at me intensely.

Iminuwestra niya ako palapit sakaniya, before he took action. And brushed his lips on mine. It was shallow but is indeed a warm kiss.

I saw his eyes closed, halos kilabutan ako nang maramdamam ang pamilyar na kiliti sa loob ng tiyan ko. Butterflies on my stomach again!

Lumayo na siya't nakangiting nakatingin sa akin. "Sweet." Bulgar niyang sabi saakin.

My cheeks blushed red. Nakakahiya! I wasn't expecting for that either! Why does he keep on giving me surprises?

Romance With My Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon