Chapter 13: Rivals
Someone's POV
"Are you sure about this?" Melborn asks me.
I nodded. I'm serious about doing this. Walang makakapigil saakin.
Ang gusto ko ay gusto ko. Makukuha ko siya. At magiging akin siya, sa ayaw at sa gusto niya.
"Sige na, ipainom niyo na sakaniya." Walang emosyong utos ko kay Melborn.
Parang nagdadalawang isip pa siya nang iabot ko ang alak na ipapainom kay Sed.
It's almost midnight. At dapat ay kanina pa siya nakauwi pero napagdesisyonan ko nang gawin ng mas maaga ang plano.
Inayos ko na rin ang sarili ko at nakisalo na sa kanila.
"Last na 'to, Sed. And then you'll go home." Ani ni Melborn pero iwinagayway niya lang ang kamay niya na tama na.
Nilingon ako ni Melborn. Ngumisi lang ako.
"Oo nga naman, Pare. Parang hindi ka naman lalaki. Last na yan oh." Sabat ko.
"Pare, sige na para makauwi ka na. Baka naghihintay si Ayuna." Wika naman ni Jason, na halos nakapikit na sa kalasingan.
Napatigil ako. Loyal siya sa asawa niya. At ni minsan ay hindi ko pa siya nakitang nambabae o kaya nam'y tumapak sa beerhouse simula nang mapangasawa niya si Ayuna.
Or should I say, Loyal sila sa isa't isa.
"Ok, ok. Fine." He mutters.
Kinuha niya ang alak kay Melborn at tinungga ito ng diretso.
Napangisi ako lalo. Kami lang ni Melborn ang nakakaalam na may gamot ang alak na yon na nakakahilo.
Nakakahilo. Sa sobrang hilo, na hindi ka magigising ng agaran.
"Ugh, ang tapang naman ata nito." Biglang sabi niya.
Kitang kita ko ang pagaalala ni Melborn sa mga mata niya. Masisisi ko ba siya? Siya ang nagvolunteer na tulungan ako, dahil na rin may malaki siyang utang saakin. At yan na nga ang kapalit na kabayaran.
Napakagaling ko talaga. Baka bukas mas maganda na ang magiging tulog ko at lalo na ang mga pag gising ko.
Lalo na at mapapasaakin na siya.
"P-Pare,una na ako." Aniya saka tumayo.
Halata sa itsura niya na hilong-hilo na siya. Hinimas himas niya pa ang kaniyang noo habang maglalakad palayo.
Namataan ko naman si Jason na humihilik na dito. Mas mabuti na yan. Kesa yang masaksihan niya pa ang gagawin ko sa lalaking to.
"N-Nakatulog na siya." Sita ni Melborn saakin.
Tumayo ako at lumapit kay Sedric. Napakamatipuno niya at alam ko yon. Pero mas higit pa rin ako sa kaniya. At mas mahihigitan ko pa siya ng lalo.
"Tulungan mo ako dito!" Asik ko kay Melborn at sabay namin siyang tinayo.
Hinila namin siya patungo sa tabing-dagat. Inihanda na ni Melborn ang bangka.
"Pare, isasakay na ba natin?" Tanong niya.
Tanga ba siya? Syempre hindi pa dahil pahihirapan pa natin to.
"Kumuha ka ng malaking bato." Yan na lamang ang naisagot ko.
I'm getting excited about this.
Dali dali siyang naghanap ng bato. At nang makabalik siya ay kita ko ang hirap niya sa pagbubuhat ng bato na iyon..
"W-Wag mong sabihin na.." usal niya.
Ngumiti lang ako ng nakakaloko.
"Tsk, Mas maganda na to." Sabi ko.
Itinaas ko ang bato at ibinagsak sa ulo ni Sed.
Kita ko agad ang pagdugo ng ulo niya. Napasabunot si Melborn sa ulo niya. Kitang kita ang pagaalala.
Napakainosente.
"P-Pare," usal niya. "Paano kung makulong tayo?"
"Walang makukulong saatin kung walang magsusumbong." Ani ko.
Inaya ko siya para tulungan akong isakay si Sedric sa bangka. Isinama ko na rin ang bato na ginamit namin.
Iwinasik ko rin ang buhangin na may bakas ng dugo niya. Pero bago ko pa isabay sa alon ang bangkang sinasakyan niya ay ihinubad ko ang shirt na suot niya pati na rin ang wallet at phone niya saka ko ito iniwan sa tabi ng dalampasigan.
Buong lakas naming itinulak ang bangka. Hanggang sa lumayo na ito ng lumayo. Paalam.
![](https://img.wattpad.com/cover/95070719-288-k344765.jpg)
BINABASA MO ANG
Romance With My Husband (Completed)
Romance(Romance Duology # --) Some said that a secret to a happy life is to keep fights clean and the sex dirty. Married life isn't that easy. Sedric and Ayuna will always find ways to have time for their kids and as well as making heat together with their...