18 (p1)

15.8K 225 33
                                    

Chapter 18 (Part 1): Deter

3rd Person's POV

"Fiance?" Isip ni Ayuna. Sa isip-isip niya'y gulong-gulo na siya.

Ang dami niyang gustong itanong, ngunit ni isa ay wala man lang siyang maibigkas. Tila nanigas siya sa kaniyang kinauupuan.

"Hey," sambit ni Calic.

Napatigil siya sa kaniyang pagiisip.

"A-Ah," tanging naiusal niya lamang.

"Are you fine?" Tanong naman ng babaeng katabi ni Sed, Si Klare. Ang fiance niya.

Fiance. Fiance ni Sed.

"Okey lang ako," sagot ni Ayuna nang wala sa sarili.

''Am I dreaming? Ayuna, Wake up!" Bulyaw niya sa sarili niya, sa isip niya.

"Actually, There's something she needs to tell you." Sabat naman ni Calic.

Laking gulat ni Ayuna sa sinabi nito.

Alam ni Calic nq ang ipinunta ni Ayuna rito ay ang kaniyang asawa.. ngunit ito nga ang kaniyang nadatnan.

May kasamang babae si Sed. At gulong-gulo na siya dahil nga ay "Deter" ang pangalan nito imbes na na "Nate Sedric".

Ano nga ba ang nangyayari rito? Alam nga rin ba niyang may sarili siyang kumpanya? O sadiyang pakulo niya lang ito,. O kaya nama'y nagpapanggap ito?

Napailing siya.

"Tutal malapit na rin ang hapunan, dito na kayo kumain. Dito na rin kayo matulog." Sabi naman ni Sed. O kaya nama'y Deter.

"That's a good idea. Para mapagusapan din natin yong gusto mong sabihin, right?" Magiliw na sabi ni Klare.

"Sure," Calic answered from the other side.

*

Talaga ngang simple ngunit maluwag ang bahay na ito. Hindi masyadong magarbo, ngunit maganda na rin. Malawak ang espasyo, at ang linis ng paligid.

Mayroong katamtaman ang laki na lamesa sa dining area. At may nakapaligid dito na mga upuang gawa sa kahoy, kahoy na fully furnished din.

"Amen," Pagtatapos ni Klare sa dasal bago kumain.

"Kain na," aniya pa saka siya kumuha ng kakainin.

Hindi ganoon karami ang nakahain sa hapag, ngunit masarap naman ang mga nandito. May kanin, afritada, at adobo. Mayroon ding panghimagas na nasa dulo ng hindi gaanong kalaki na mesa.

"So, what're you going to tell?" Biglang tanong ni Klare habang nakatingin kay Ayuna.

Napatingin siya kay Calic. Ngumiti naman si Calic at tumango.

"Nawawala kasi ang may ari ng Hidalgo Companies, which is my husband at the same time. At sa tingin ko ay, nandito siya." Sabi ni Ayuna.

Pilit niyang tinatagan ang kaniyang sarili.

"W-What do you mean?" Tanong ni Klare. May halong kaba sa kaniyang boses, at kita rin ito sa kaniyang mga mata.

Kita namang lumapit si Sed---Si Deter kay Klare. Hinagod nito ang kaniyang likuran.

Ramdam naman ni Ayuna ang pagbigat ng kaniyang dibdib. Parang tinatadtad nang pinong-pino ang kaniyang puso sa nakikita niya.

"Si Sed, I mean Deter Hidalgo is my husband. His real name's Nate Sedric Hidalgo." She says holding up her tears.

Napatigil si Sed sa paghagod sa likuran ni Klare.

Tiningnan niya ng malamig si Ayuna.  Ramdam ni Ayuna ang pagkalabog ng dibdib niya. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman.

Kasalukuyan pa ring nakatingin si Sed kay Ayuna. "Please speak, Please." Isip ni Ayuna.

"Baka nagkakamali ka lang," walang emosyong sabi ni Deter kay Ayuna.

Nadurog nangtuluyan ang puso niya sa narinig niya. Ang akala nito'y magiging maayos na ang lahat dahil nakita na niya si Sed. Ngunit.. nagkakamali nga siguro siya.

Romance With My Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon