III

11.3K 420 3
                                    

Chapter Three

Mikee❤

Hiyang hiya talaga ako. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko kay Spencer. Pagkatapos ko kasing sabihin sa kanya yon ay nanakbo na ako. Bahala na sya kung masaksak sya. Charot! HAHAHAHA

Toot* toot

Si JC! Oh my, kailangan ko sya ngayon! Tawagin nyo na akong malandi pero kailangan ko sya para takpan ang katangahan ko.

From: JC

Hi Mikee! Sabay tayo? Ngayong araw palang ako papasok e 😙

Hayop! Sabi na e, hindi ko na pala kailangan lumandi para may makasabay pumasok eh.

Tinext ko nalang kay JC ang address ko para magpasundo. Kapal din ng mukha ko eh no? Hayaan na a!

Ilang sandali pa ay may narinig na akong bumubusina sa labas kaya nagmadali na rin akong lumabas. I saw JC leaning on his Black Porsche. Shit lang! Ang gwapo! Parang bigla akong napakanta ng "2 baddies 2 baddies 1 porsche"

"Hmm tara na? Baka malate ka."

Kinikilig naman ako! Hahaha Shanggala! Sinong hindi diba? Hindi ko alam kung anong nakakakilig dun sa sinabi nya pero basta! Kinikilig ako. Napaihi ako ng kaunti. Samlang! HAHAHA

10 minutes ride at nasa tapat na kami ng Canion. Nahihiya parin talaga ako. Panigurado, alam na ng buong academy ang kabaklaang ginawa ko.

"Bakit parang tensed ka?" tanong ni JC. Hindi parin kasi kami bumababa. Sabi ko kasi hintayin namin na umonti ang mga estudyanteng nasa labas.

"Ah wala, loner pa kasi ako dyan. Magsolo lang ako lagi."

"Nandito naman ako a, magkacourse lang tayo at sinadya kong magkaparehas tayo sa ibang sched."

I stiffened when he hold my hand. Sandali lang yon pero alam kong may meaning. Inalis ko naman agad ang pagkakahawak nya at kusa na akong lumabas. Feeling ko kasi uminit sa loob ng kotse. Na-elya ako ng onti HAHAHA eme

Magkasabay kaming pumasok sa Academy at masasabi kong hindi ata tama. Mas madaming nanunuring mata ang nakatingin samin.

"Bakit ganyan sila makatingin JC? May problema ba?" hindi naman nya ako sinagot at nginitian lang.

"Bakit nya kasama ang may-ari ng school na to?"

"Oo nga? Akala ko ba sila nung Spencer?"

"Baka magkaibigan sila bro!"

"Nakaakbay? Bakla pa yung isa tapos friends?"

Akala ko babae lang ang tsismosa, lalake din pala. Okay lang kung hindi namin rinig eh, kaso sinasadya pa ata nila. Nakakainis lang yung mga usapan. Kailan ba magiging kaibigan ng mga bakla ang lalake ng walang malisya?

Tsaka si JC? May-ari ng school na to? Kaya pala kaya nyang sadyain na magkaparehas kami ng sched.

"JC? Hindi ba nakakahiya? Ikaw pala may-ari ng school na to tapos nagpapasundo pa ako sayo?"

"Hahaha! Ang cute mo talaga!" Kinurot nya ako sa pisngi. Ibang iba sya ngayon. Or nag iba sya sa paningin ko. Buti nalang at hindi ko sya masyadong nilandi noon sa Starbucks! Kung hindi ay nako! Mas nakakahiya!

Papunta na ako sa unang subject ko ng may marinig na naman kaming naguusap.

"Dude! Narinig mo ba yung nasaksak na second year? Yung Spencer Morales? Grabe! Nag50-50 daw. Expelled tuloy sila Marco."

Mr. Androgynous (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon