XIX

4.3K 171 10
                                    

Chapter Nineteen


Mikee❤

"Hmm, kain ka na Mikee. May pupuntahan tayo pagkatapos mo." Pumasok si Stephen sa kwarto dala dala ang isang tray na may pagkain.

Magkaiba parin kami ng kwarto. Ako ang nagpumilit na hiwalay kami, una ay ayaw pang pumayag nila Mom and Dad pero nung sinabi ko na pagkatapos na ng kasal tsaka kami magtatabi.

Sura ng mabubuntis ako no? Tsk.

"Saan?"

"Wag ka nang magtanong pwede?" Nagulat ako sa pagsagot nya. Bago pa magsink in sakin ay humingi na sya ng sorry at lumabas ng kwarto ko.

I feel bad for him. Alam ko na galit sya at umaasa na sa kanya ko itutuon ang atensyon ko dahil sya na ang mapapangasawa ko. Pero hindi nun mababago na mahal ko si Spencer. Kahit nasaktan nya ko, mahal ko parin sya.

*****

"Mom! Ayoko mag-crossdress!" Angal ko. Nandito kami ngayon sa shop kung saan kami magpapatahi ng damit.

Dito ako dinala ni Stephen.

"Mikee, just in your wedding. It would be perfect anak!" I frustatedly sighed. Tiningnan ko si Stephen para humingi ng tulong pero parang gusto nya rin ang idea.

"Fine, pero wag nyo akong lalagyan ng dede!" Napatawa naman lahat ng staff at designers sa sinabi ko.

"You're really adorable." Bulong sakin ni Stephen pagkatapos nya akong yakapin patalikod.

Medyo naiilang ako pero hinayaan ko lang sya. He buried his face to my neck. Ramdam kong nakalapat ang labi nya sa leeg ko pero hindi naman nya ginagalaw.

"Ako nalang, Mikee."

Yun ang mga salitang sinabi nya bago kami nagbitaw. Kasabay naman nun ang pagbukas ng pinto ng shop at pagpasok ng isang lalake. Spencer.

Nakatitig sya sakin kaya napaiwas ako. Naalala ko parin yung ginawa nya, although hindi ako galit, disappointed ako.

"Mr. Bermudez? Susukatan na daw po kayo!"

Hay, buti naman! Save by the designer. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sumunod na doon sa designer.


Stephen❤

"You're hopeless." I said pagkaalis ni Mikee. Katapat ko ngayon ang magaling kong kapatid. Wala akong mabasang emosyon sa mukha nya pero alam kong tinatago nya lang yun.

"Tsk. You won't achieve your happily ever after Stephen. As long as I'm here and as long as Mikee loves me. Maybe today you'll live happily but I'll make sure, you won't get your ever after." Mahabang litanya nya bago sya tumayo at lumabas ng shop.

I will let this pass, Spencer. But mark this day, mapapasakin din ang pinakamamahal mong Mikee.

*****

Dumaretso ako sa office pagkahatid ko kay Mikee sa bahay. Baka kasi natambakan na naman ako ng paper works.

Pagkarating ko ng building ay pansin ko ang tinginan ng mga empleyado ko. I just shrugged it off and walk my way to my office.

Nagulat ako ng nakita ko ang dati kong secretary, hindi ko na maalala kung anong pangalan nya pero nalala kong may ginawa kaming kababalaghan dito sa opisina ko.

Mr. Androgynous (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon