XI

6.3K 208 9
                                    

Chapter Eleven


Mikee❤

"Your assignment is to study the story The Little Prince, sounds childish but hell, you can't understand it in just one read. That's all, class, dismissed."

Sabay sabay na nagtayuan ang mga kaklase ko. Yung iba ay may kani kanilang grupo. May mga basketball players at yung iba ay literal na players, oo mga mahilig maglaro.

"Hi Mikee! Lunch?" Alok ng isa kong kaklase na kung hindi ako nagkakamali ay si Dennis.

"Nako Dennis! Tumigil ka nga, landi netong gagong to." Napakamot nalang sa ulo si Dennis sa sinabi ni Daphne. Parang ang saya mantrip ngayon.

"Uhmm? Sabay tayo?" Nahihiyang alok rin sakin ni JC. Simula kasi noon ay hindi na kami nagkausap. Gusto ko man syang kausapin, maging sya ay nahihiya rin.

"Naku bes, ang haba ng hair mo! Una na nga ako." Sabi ni Daphne. Nauna na syang lumabas ng classroom, nako! Hihintayin nun si Dustin. Kating kati na yung makipagbati!

Nginitian ko si JC at tumayo na. "Tara na." Sinuklian nya rin ako ng ngiti.

Nagtaka ako ng ilahad nya ang kamay na. "Holding hands."

Sinamaan ko sya ng tingin. "Sabi ko nga eh! Madumi kasi kamay ko kaya bawal!"

Tumawa nalang ako para hindi awkward. May gusto sayo yung tao, wag kang gagalaw na ikami misinterpret nya.

*****

"Uhmm, anong gusto mo?" Naiilang na tanong sakin ni JC. Tsk!

"Kahit ano nalang." Sabi ko.

Tumungo muna ako at hinintay kong dumating si JC. Tinitingnan ko yung cellphone ko kung may text ba galing kay Spencer, pero wala. Ano bayan!

Nakatingin lang ako sa cellphone ko ng may tumabi sakin at hinalikan ako sa pisngi. What the?

"I brought you some food."

Shit shit shit! Buti nalang walang nakakita nun!

"Bakit mo ko hinalikan!" Nanggagalaiti kong sigaw sa kanya. Hindi naman masyadong malakas yung pagsigaw ko kaya walang nakapansin.

He just smirked and act innocent. "Dapat nga sa lips eh."

Nakita ko yung dala nyang cake at frappe para sakin.

Sabay namang dumating si JC at Stephen na may dali ring mga pagkain.

"Japanese food/Chinese food." Sabay nilang bigkas.

"My dessert is better than that." Komento ni Spencer sa tabi ko.

Oo-ka-ay? Awkward.

*****

Tahimik lang akong kumakain habang yung tatlo ay nakatitig sakin. "Uhmm? Kainin nyo na yang mga dala nyo!"

Mr. Androgynous (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon