XXVIII

4.8K 108 9
                                    

Chapter Twenty Eight


Spencer

"I really need help guys." Saad ko sa mga kaibigan ni Mikee. Hindi ko kasi alam kung paano sya maililihis sa sitwasyon.

Balak ko nang magpropose sa kanya. Wala namang mawawala kung itatry ko. Tsaka I'm very much sure na papayag sya.

Sinabi ko sa kanila na tulungan nila akong maghanda sa venue. Plano ko kasi na sa bahay namin magpropose.

I assigned Daphne para sana samahan muna si Mikee sa kung saan habang nagaayos kami nila Gelai at syempre katulong ko ang kapatid kong si Steven.

"Hmm, kuya, do you think masyado yatang engrande to? Magpopropose ka lang naman, hindi pa naman kasal to."

Kinurot ko na lamang ang kapatid ko. "Basta si Mikee."

"Paano kuya kung di sya pumayag? Anong gagawin mo?"

It stops me. Napatulala lang ako sa banner na ikinakabit ko. What if hindi nga sya pumayag?

Kakayanin ko ba? Baka hindi na. I sadly smiled bago ako yumuko at hinawakan sa balikat ang kapatid ko. "Basta wag mong gagayahin si Kuya ha? Wag mong sasayangin ang oras mo sa mga bagay na hindi makapagpapasaya sayo at sa taong mahal mo."

Tanging tango lamang ang naisagot sa akin ni Steven.

I hope that this will end the way I think of it.

*****

Mikee❤

[Nasaan ka ba? Kailangan nating magkita.]

"Bakit? Anuhan?" Walang gana kong sagot kay Daphne. Ngayon ko nalang napagtanto na may kailangan pala akong gawin.

[Bastaaaaa! Sige ha! Kita tayo. Itetext ko kung saan.]

"Osige, may kakausapin lang ako."

Bagsak ang balikat na tinungo ko ang hagdan patungo sa ikalawang palapag. Naghihintay sa akin si Tita at si Gio.

Ng makarating ako sa tapat ng pinto ay nagdalawang isip pa ako kung kakatok ako o manatili lang na nasa labas.

Alam ko kasi na kapag pumasok ako sa kwartong yan. Baka hindi na rin ako makalabas sa buhay na iooffer sa akin.

Ayokong pagsisihan lahat ng desisyon ko.

Ng magkaroon ng lakas ng loob ay naisipan ko rin pumasok. Nakita ko ang isang doktor kausap si Tita at si Gio naman ay natutulog.

"Thank you Doc." Huling sinabi ni Tita bago umalis ang doktor at sabay na napatingin sa akin.

Lumapit ako at parang bawat hakbang ko ay may humihila sa akin. Kita kong sobrang putla na ni Gio dahil siguro sa Tumor.

"Mikee..."

Nginitian ko si Tita bago nya ako hinila sa sulok.

Mr. Androgynous (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon