Chapter Four
Mikee❤
"Bes, kanina ka pa tulala! Ano ba talaga yang iniisip mo?"
Napabuntong hininga ako.
"Bes?"
Buntong hininga na naman.
"Baklang Merlat!"
"Ay? Ano nga yon?" tanong ko. Wala talaga ako sa wisyo ngayon. Hindi ako mapakali sa mga iniisip ko.
"Wala! Mukha ka kasing Testes na walang Vas deferens!"
Hindi ko nalang inintindi yung sinabi nya. Nangalumbaba lang ako. Isang linggo na rin makalipas ng ihatid ako pauwi ni Spencer at masasabi kong nasasanay na ako.
Pero ang iniisip ko ngayon ay ang nangyari kahapon. Kung totoo ba na may nangyari samin? Wala naman akong maalala na nag toot toot kami ni Spencer.
Naisipan ko kasi magbar at sa sobrang kalasingan ay hindi ko na alam ang nangyayari. Nagising nalang ako na iba na ang damit ko at katabi kong nakahubad si Spencer. Hindi lang hubad, pawis pa sya at kumikinang pa ang dibdib sa kakinisan.
Hindi ko alam kung binubwisit lang ako ni Spencer ng sabihin nya yung katagang "I enjoyed the night with you."
Oh diba? Ang lakas maka James Bond! Shit lang. Kailangan ko malaman kung ano talagang nangyari.
"Ang lalim ng iniisip natin ah! Ako ba yan?" JC said ang gave me his genuine smile. Tumabi sya sakin at inakbayan ako.
"Hmm, wala, iniisip ko lang yung field trip natin sa Laguna. Kami kasi ni Daphne ang napili. I wonder kung anong mangyayari." I lied.
"Wag ka na masyadong mag-isip, pumapanget ka e. Ikaw pa naman pinaka maganda sa school." Kinilig ako infairness. Konti lang, alam ko kasing ako ang pinaka maganda. Charoot!
"Gusto mo samahan ko nalang kayo? Pede naman ako sumama e."
"No! Baka sabihin nung iba may special treatment sakin porke magkaibigan tayo."
Tahimik na uli. Nakatingin lang sya daretso sa whiteboard samantalang nakatingin ako sa kanya.
"Mikee."
"Hmm?"
"Pwede ba akong man-"
Hindi nya naituloy ang sasabihin nya ng may marahas na nagbukas ng pinto kaya napatayo kami at tiningnan kung sino ang walang galang na yon.
Sino pa ba? Si Spencer. Hindi na naman ako mapakali. Naalala ko na naman yung time na magkatabi kami at hubad sya. Shet, masarap nga sya!
"Magla-lunch ka ba o makikipaglandian nalang sa lalaking yan?" Ano bang pake nito? Minsan walang pakialam sakin tapos ngayon parang close na close kami.
"Don't worry pare, sabay na kami ni Mikee."
"I don't need your opinion so shut up!"
Nagulat ako sa pagbara nya kay JC. Gosh! Di ba nya naisip na kaya syang patalsikin dito sa school?
"Sige na Spencer, tara na! Sorry JC, may PMS lang to."
Hinila ko na si Spencer palabas. Ano ba kasing ginagawa ng lalaking to? May bagay pa ko na gusto kong malaman kaya ito na siguro ang right timing.
Nagtataka nga ako bakit sabay lagi kami nito sa lunch eh magkaiba ang sched namin. Nagka-cut ba sya?
Lumabas kami ng school at nagpunta sa Starbucks.
BINABASA MO ANG
Mr. Androgynous (BL)
HumorNabiyayaan ako ng kakakaibang itsura, I'm a man with features of a woman. I know this is cliche, it happens so many time and me myself nakakita na ko ng katulad ko. Akala ko normal lang na maging ganito ako but I was wrong. I'm gay. Kung ibang gay...