VI

8.7K 325 7
                                    

Chapter Six

Mikee❤

"Anong tinitingin tingin mo!"

Grabe, napasulyap lang naman ako ganun agad sinabi nya.

"Syempre may mata ako!" Pamimilosopo ko. Nainis naman sya sa sinabi ko.

"Pilosopo, halikan kita dyan eh!" Sabi nya.

"Ano?"

"Narinig mo ko! Wag mong gawing bingi ang sarili mo!"

Aba? Ginagaya pa ko ng isang to! Nakooo! Uggghh!

Magiisang oras na ang byahe. Tahimik na rin ang kaninang nagtatalong si Daphne at Dustin. Tulog na siguro yon. Ng sinilip ko ay napangiti nalang ako. Magkayakap kasi yung dalawa! Mapicturan nga!

*click*

Mwahahaha! May pangblackmail na ako sa kanya!

Kahit antok na antok na ako ay ayaw ko talagang matulog dahil baka paggising ko ay nakayakap na rin ako sa kumag na to. Nakailang hikab na yata ako.

"Insane." Spencer commented. I really hate it when he acts like this. Kahapon naman ang bait bait nya sakin ah! Nagiging mabait na nga ako sa kanya eh!

"May sinasabi ka?" He just tsk-ed.

*ring-ring*

I answered the call, nakita ko naman kung paano kumunot ang noo ni Spencer. "Hello JC?"

"Uhmm, nagugutom ka na ba? Mahaba haba ang byahe nyo diba?" Napangiti ako. Mukhang gutom na nga ako. Pero saan ako kukuha ng pagkain eh balak ko pa naman na bibili nalang sa pupuntahan namin.

"Gutom na nga ako eh, I wish you were here." Pasweet kong sabi sa kanya. Hahaha landi ko talaga! Hanep!

"A-ahh- Naglagay ako ng fully loaded meal sa bag mo. Hahaha! Sorry! Tsaka may homemade kimchi dyan, padala ni mommy." Tiningnan ko naman ang loob ng bag ko at ayun nga!

"JC! Thank you talaga! Gutom na kasi talaga ako!"

Magsasalita pa sana ako ng may umagaw na ng phone ko. "Ang ingay! Pede bang mamaya na ang landian? May natutulog dito eh."

Napairap nalang ako. Sungit.

*****

Nagising ako sa hagikgikan at tawanan. Kaya nagmulat ako. Nakita ako ang sahig, at paa ni Spencer. Wait, WHAT THE FUCK!

Napabangon ako, ano bang nangyayari! Bakit ganun yung posisyon namin? Nakita ko namang tulog lang si Spencer.

"Grabe bes! Ang galing mo! Bwahahahahaha!" Sinamaan ko lang ng tingin si Daphne samantalang nakikitawa naman si Dustin.

Paano ba naman kasi, nakasubsob ako sa hita ni Spencer at konting-konti nalang maglalapit na yung mukha ko at Jr. nya! Nakakahiya grabe! Kung alam nyo lang.

"Bakit ka namumula?" tanong ng bagong gising na si Spencer.

Nakayuko lang ako at pinagdikit yung hintuturo ko. Isip bata aish!

"See for yourself bro!" Sabi ni Dustin at may ipinakita galing sa cellphone nya.

"BWAHAHAHAHA! PAREHAS NA KAYONG KAMATIS!" Sigaw ni Daphne.

Oh my god! Nakakahiya! Nakuhaan pa ng litrato!

"I-delete mo yan!" sigaw ko kay Dustin at pilit inaagaw yung cellphone nya.

Mr. Androgynous (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon