XXI [SPG]

4.4K 174 30
                                    

[Hihihi! Another warning!]

Chapter Twenty One


Mikee❤

I am so scared. Hindi ko na alam kung anong itsura ko. Nandito lang ako ngayon sa loob ng kotse ni Stephen. Walang ibang pumapasok sa utak ko kundi ang nangyari kanina lang.

Natauhan lang ako ng maramdaman kong may nagpunas ng luha ko. "Dalhin mo ko sa bahay."

Walang kaemo-emosyon kong utos kay Stephen na walang kagatol gatol naman nyang sinunod. I know that he can feel the awkwardness. And maybe galit na galit rin sya ngayon. Sino ba namang hindi magagalit? Pero ngayon, wala man lang akong maramdaman. Para akong isang bote na walang laman.

*****

Stephen❤

Alam kong ang iniisip ni Mikee ngayon ay kung galit ako. Syempre galit na galit ako non. Naisip ko pang patayin ang sarili kong kapatid but there is a little bit of happiness inside me.

Thinking that it is impossible now for them. It is impossible that Mikee will choose him over me.

"Wait, stop the car."

Tiningnan ko muna sya, wala na akong nagawa at itinabi ko muna ang sasakyan. Nakatigil kami ngayon sa isang 7/11. I don't have a choice kundi ang sundan sya.

"Ang hot nya bro..."

"Look at that legs..."

Bullshit! Nakalimutan kong nakashorts lang si Mikee at suot nya pa ang oversized shirt ko.

Hinawakan ko nalang sya sa bewang para malaman ng mga lalaking yan na akin lang si Mikee.

"Taken bro..."

"Oo nga, sayang..."

Back off bastards! Wala kayong mahihita sa kanya. Napangisi nalang ako sa mga naiisip ko.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan! Bayaran mo na to!"

Nabigla naman ako sa sudden change of mood ni Mikee. Noon ko lang napansin na nasa tapat na kami ng counter at may mga nakapatong na ibat ibang klaseng alak at junk foods.

"Bakit ako?" Natutuliro ko paring tanong.

"Eeeeehh! Minor pa daw ko eh! Wala pati akong dalang ID. Ikaw na!" Ayan, ibang ugali na naman ang pinapakita nya. Nakita ko naman kung paano namula yung lalakeng cashier habang nakatingin sa kanya.

Ugh, bakit ba kasi ang ganda nito. Tsk.

"Hoy! Asikasuhin mo na yang binili namin!"

Nataranta naman yung lalake at inilagay na sa supot yung mga binili namin.

"Bakit mo naman ginanun si cutie?" Mas lalong naginit ang ulo ko dahil sa sinabi ni Mikee. Cutie? Cut ko kaya tietie nya! Tsk.

"Easy! Mas gwapo ka naman dun eh." At kinurot nya yung pisngi ko. Hindi ako nakagalaw nung una pero napangiti nalang din ako. "Talaga? Kiss mo nga ko?"

Napairap nalang sya nun at hinalikan ako sa lips. Saktong nakatingin yung lalake.

"Bawal po ang PDA dito." Poker face nyang sabi. Haha! Azar!

Mr. Androgynous (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon