Chapter Eight
Dustin❤
"Dino! Bakit mo ba ako iniiwasan? Binigyan naman kita ng cupcake ah! Eto pa kung gusto mo?"
Lalo naman sumama ang timpla nya sa sinabi ko. Eh kasi naman eh, hindi ko talaga maintindihan yung mga ginagawa at sinasabi nya.
"Pede ba? Layu-layuan mo na ako!"
Awts! Sakit nun! Pero di dapat ako nagpapaapekto, ganito lang talaga sya magsalita.
"Bakit? Hindi ka pa ba naliligo? Okay lang yan!" Sabi ko. Pero parang ako lang ang natawa. Ganun parin kasi ang tingin nya. Parang mangangain ng buhay.
Pero okay lang kung kakainin nya ako! *wink* Wahahaha!
"Dahil sayo! Hindi ko na malapitan si-"
"Sino?" Nagbago bigla yung pananalita ko. Parang bigla nalang akong nainis, tsk.
"Si JC! Masyado ka kasing dikit ng dikit eh!"
Kumulo bigla ang dugo ko. Puta, wala naman akong karapatang magalit eh.
"Sige, lalayo na ako wag kang magalala."
Tumalikod na ako, gusto kong manakit! Pero wala, tiklop ako pagdating sa pagibig. Oo, gusto ko si Dino. Noon pa! Magkababata kami nun eh. Pero di masyadong close.
Ngayong nakahanap na ako ng tyempo, tsaka naman may sumingit! Ano bang panama ko eh yon ang may ari ng school na to! Tsk. Bwisit!
Mikee❤
*pout*
"Hoy, wag ka nga magpout dyan, di bagay." sabi ko.
Kanina pa kasi nguso ng nguso tong si Spencer. Bigla naman nagiba and ekspresyon nya at naging poker face.
"Ano naman yan? Nagmukha ka uling suplado." Sabi ko. Kanina pa talaga yan ganyan. Ngayon ko lang pinansin. May kakaiba sa kinikilos nya.
Nagulat naman ako ng magkagat labi sya habang tinatanggal ang butones ng polo nya.
"Ano ba naman yan? Wag mo ko subukan Spencer ha! Naiirita na ako." Napakamot nalang sya sa batok nya at sumalampak lang sa inuupuan.
Nandito kami ngayon sa club office ng sports. Balak ko kasing magtry-out sa Volleyball. Sinamahan lang ako ni Spencer dahil gusto nya ring maging member ng Swimming team.
"Yun kasi yung mga nababasa ko sa wattpad. Mga leading man, eh hindi ko alam kung anong type mo. Tsk." Lihim akong napangiti sa sinabi nya. Minsan talaga hindi mo mapipigilan ang bibig ng lalaking to.
Hindi nya ba alam ang magiging impact ng mga sinasabi nya? Basta lumalabas nalang bigla? Hay, sana hindi ako mafall. Ako lang rin naman ang masasaktan eh.
"Tara na nga! Ang dami mong alam eh!" yaya ko rito at ako na mismo ang humila sa kanya palabas.
Minsan naisip ko, paano kung hindi ko sya nakilala. Magiging masaya kaya ako? Kahit hindi ko man kasi aminin, kakaibang saya yung nararamdaman ko kapag kasama ko si Spencer.
Ah! Ang drama!
"Oh! JC? Bakit ka nandito?" Tumigil muna ako. Kaharap na namin ngayon si JC. Ìba ang pakiramdam ko, bukod kasi sa ang tahimik eh nagtititigan lang si JC at Spencer.
BINABASA MO ANG
Mr. Androgynous (BL)
HumorNabiyayaan ako ng kakakaibang itsura, I'm a man with features of a woman. I know this is cliche, it happens so many time and me myself nakakita na ko ng katulad ko. Akala ko normal lang na maging ganito ako but I was wrong. I'm gay. Kung ibang gay...