XII

6K 207 5
                                    

Chapter Twelve


Stephen❤

I was in my room when my mother knocked and call from the outside. "Come in!"

Nanatiling nakatayo si Mom sa pinto, I heard her sighed bago tuluyang pumasok sa kwarto ko. "Stephen..."

"May problema po ba?" I asked.

"I should be the one asking you that, may problema ba kayo ni Spencer?" I stopped what I am doing. Naalala ko yung pinagusapan namin kanina. Sinuntok pa ako ng gago. Tama kayo, sya ang may kasalanan kung bakit putok ang labi ko kanina.

"He likes Mikee too, pero alam ko namang hindi maaaring mangyari yon, ayoko ring masaktan si Spencer or even Mikee pag nagkataon." Paliwanag ko kay Mom, hinawakan nya lang ako sa balikat at lumakad na palayo.

"I know you would do what's best, anak."

Pagkalabas na pagkalabas palang ni Mom nang si Dad naman ang pumasok.

"Anak, kailan mo balak sabihin kay Mikee-" hindi na naituloy ni Papa ang sasabihin nya dahil pinutol ko na ito. I gave him a deep sigh.

"Hindi ko pa po kaya, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Ayokong lumayo sya sakin, alam ko kung gaano sya inis kapag kinocontrol ng iba ang buhay nya. Kailangan, clear na ang feelings nya para sakin bago ko sabihin na ikakasal kami."

Hindi nagsasalita si Dad habang nagpapaliwanag ako, kung sakali kasing mangyari yun ay win-win situation ang mangyayari.

"But, son, hindi pa tayo nakakasiguro. Tandaan mo, hindi pa pumipirma sa contract si Mikee, hihintayin pa natin na dumating ang mga magulang nya."

I know that, at hindi ko maiwasang kabahan. Lalo na at napapalapit na sya sa kapatid ko. Napangisi nalang ako ng maalala ko ang nangyari kanina. Si Spencer ang dahilan kung bakit putok ang labi ko.

Obsessed masyado kay Mikee.

I will make sure na sa akin sya mapupunta, kahit masira pa ang samahan namin ng kapatid ko. I will do everything.


Spencer❤

"Hoy! Bakit hindi ka nagsasalita?"

Pabebe pa itong si Mikee, nilibre ko na at lahat. Binili ko na yung chocolates ng buong store para sa kanya. Sinigawan pa akong "Paano ko iuuwi yan, kupal ka!"

Diba? Tsk- hirap magkagusto sa third sex eh, ang dami pang cheche bureche.

"Tss"

Aba! Sya pa ang may ganang isnobin ako ha! Naiinis parin ako sa pagiging close nila ng kuya ko ha! Isa pa yung JC na yun, akala mo naman cool!

Nabigla sya ng hawakan ko sya sa magkabilang pisngi nya. Nanlaki ang mata nya ng ilapit ko yung mukha ko.

"Sa oras na dedmahin at hindi mo sagutin ang tanong ko, hahalikan kita sa labi." Mas nanlaki ang mata nya at tinampal ang kamay ko.

Mr. Androgynous (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon