Chapter 2 | sphragizó

1K 54 20
                                    



ZOE's POV




  "Ano na ang balak natin sa kanila?" Napatingin kami sa pitong lalakeng naglalakad at nakasunod sa amin. Tinignan ko naman ni masama si Cleofe.



"Sinasabi na nga bang masama talaga ang pakiramdam ko nung pumasok tayo sa Selene Tower na yan!" Sabi ko. Nag peace Sign naman si Cleofe sa akin at rumolyo na lang ang mata ko.



"Wala na tayong magagawa. Nandito na sila eh." Sagot ni Lydia.



"Ibalik kaya natin sila sa Chamber?" Suggestion ni Euphemia.



"Sinong ibabalik sa Chamber?" 



Nagulat kami ng makita namin na nasa likod na namin ang lalakeng kulay Green ang buhok. Ano nga ulit pangalan nito? Darren? Dario? ah! Darrius!



"Wala! Dun ka na nga ulit! Samahan mo yung mga kasama mong tuwang-tuwa sa lupa!" Sumunod naman sya sa akin at pinuntahan naman ny aang mga kasama nya. 



"Paano na yan? San naman natin dadalhin tong mga to?" Tanong ni Lydia. Napatigil kami ng paglalakad ng may guwardiyang dragon ang lumapag sa harapan namin. Nakasakay duon si Professor Cudlin. Bumaba sya dito at nilapitan kami. Lumapit naman ang anim na  lalake na para bang pinoprotektahan kami. Maliban lang dun sa isa na wala namang pake at kalmadong papalapit sa amin.


Professor Cudlin's Photo:

Professor Cudlin's Photo:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"S-sir.. Bakit p-po?" Tanong ko dito. Nangangatal na ako sa takot at lamig. Kakalabas lang kasi namin ng Selene tower at naglalakad pabalik ng Dorm at ang lamig ngayong gabi.



"Lilipat na kayo." Nanlaki naman ang mga mata namin at lumuhod kaming tatlo.



"Sir di naman namin sinasadyang buksan yun eh!" Pagpapaliwanag ni Cleofe.

Moonlight Tale | BOOK 1: Light within the darknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon