Chapter 4 | philos

781 37 29
                                    



CLEOFE's POV




Pumasok ako sa isang kwarto kung saan walang tao. Halata namang walang tao dahil walang maingay sa loob. Umupo ako sa sulok at nilabas ang librong binabasa ko. Mahilig akong magbasa lalo na at puno ng kuryosidad ang utak ko. 



Dahil nakabuklod kami sa mga tao, hanggang sa mga libro ko lang sila nakikilala. Minsan ay may nakakapasok na magazine dito sa loob ng Serene Academy kaya alam din naman namin kung ano ang nangyayari sa labas ng Akademya.



Binabasa ko kasi itong libro ni Peter David na Tigerheart. Ang ganda ng librong ito at hanga ako sa imahinasyon ng nagsulat ng kwento. Nakakaintindi naman kami ng ingles ano ba! Isa yun sa mga pinag-aaralan namin dahil sabi nila, kapag nakapagtapos ka na sa Serene Academy, may pagkakataon ka na palabasin ka na dito at manirahan kasama ang tao. 



Sa isang tulad ko na malawak ang imahinasyon at puno ng kuryosidad ang buhay, gusto kong lumabas at makita kung ano meron sa labas ng Academy. Kung ano talaga ang itsura ng Syudad ng mga tao. May mga building daw dun na mas malaki at mas mataas pa sa mga building dito sa Academy. Kung kaya ko lang tumakas edi sana ginawa ko na diba? Eh kaso hindi ko kaya. Nakakatakot kaya.



"Hoy! Ang lalim ng iniisip mo!" Nagulat ako ng bigla akong alugin ng asungot sa harap ko.



"Bakit nandito ka? Sinusundan mo ba ako, Orion?" Kanina pa kasi to eh. Ayaw ako tigilan.



"Masyado ka naman. Napansin ko lang na bukas ang pinto nitong silid kaya pumasok ako. Hindi ko naman aakalain na nasa loob ka ng silid na to."



"Oo na! Oo na! Bakit ikaw lang yata ngayon? Asan na mga kasama mo?"



"Bakit mo sila hinahanap? Kailangan ba lagi ko silang kasama?" Pilosopo din to eh. sarap sakalin.



"Masamang hanapin?!"



"Oo masama! Eto! Ang init ng dugo mo sa akin!" Umupo sya sa harap ko. Ngayon nya lang naisipan umupo eh kanina pa kami nag-uusap.



"Pilosopo ka kasi at ang kulit mo! Kanina mo pa kaya ako kinukulit!"



"Eh ikaw lang kasi pwede kong kulitin eh. Nakakatakot kaya ang iba mong mga kasama!"



"Bakit ako? Hindi ba ako mukhang nakakatakot sayo?"

Moonlight Tale | BOOK 1: Light within the darknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon