Chapter 32 | eídos

520 34 18
                                    



Third Person's POV




"Santhe?!" Sambit ni Zoe ng makita ang mukha ng lalake na nasa harap nya at pinoprotektahan ang kalaban.



"Santhe?" Tanong nito at ngumisi. Hinawakan nito ang kamay ni Devina at inayos ang nagulong buhok nito.



"Sino si Santhe? Si Deo ang lalaking to." Sagot ni Devina at nginitian ang lalaking nakaharap sa kanya na si Santhe.



"Tigilan mo na ang kahibangan mo, Devina! Matagal nang patay si Deo!" Sigaw ni Helena.



"Ate, di ka ba natutuwa? Bumalik na sya! Bumalik na sya ulit sa akin! Katulad ng pangako nya!" Ngiting-ngiti si Devina sa kanyang ate at ang kanya namang kapatid ay napapa-iling na lamang.



"Hindi pa pwedeng bumalik si Deo sa pagiging Tao, Devina. Hindi si Deo yang kaharap mo!" Sigaw ni Devina. Ang ngiting-ngiting mukha ni Devina ay nawala kasabay ng pagkawala nito sa pwesto nito. Para itong hangin na mabilis na lumapit kay Helena at hinawakan ito sa leeg at nakaangat sa ere.



"Bakit ba kahit kailan ayaw mo ko maging masaya?" Tanong nito habang nanggigigil sa kapatid nya. Nagiba ang kulay ng mata ni Helena at naglaho ito bigla na parang anino.



"Gusto ko kita maging masaya pero hindi sa ganitong paraan." Sambit ni Helena. Nagulat na lang si Helena ng may makahuli sa kanya sa kalagitnaan ng kapangyaarihan nya. Nilingon nya ito at si 'Deo' ang nakahuli sa kanya.



"Alam mo, hindi pa rin ako makapaniwala na ang taong mahal ko, ay ang taong nakatakdang samahan ako sa labanan na ito. Hindi ba't parang pinagtagpo kami ng tadhana magsama, Ate?" Ngumiti ito ng napakalaki. Biglang may apoy na sumala sa tagiliran ni Devina. Lumingon sya at nakita si Zoe na nag-aapoy sa galit.



"Bitawan mo at ibalik mo ang mga kaibigan ko!" Siagw nito. Maautoridad at puno ng lakas na sigaw. Ngumiti lamang si Devina. Sinenyasan nya si Deo at ang huli nilang nakita na ginawa nito ay inihagis si Helena. Agad naman lumipad si Darrius ng mabilis upang masalo ang dalaga na walang malay dahil sa pagkabiglang paghagis sa kanya.



"Ibalik mo na sya sa loob," Utos ni Melody. Tumango si Darrius at agad na umalis. Hinila din ni Darrius si Lydia papasok ng gusali.



"Anong ginagawa mo?!" Pagpupumiglas ni Lydia.



"Pagod ka at kakailanganin ka sa loob. Kailangan ka sa loob ng kapatid mo." Pagsabi nito ay inilabas ni Darrius ang pulbos na pampatulog na nakuha nila kay acteon at ibinuga ito kay Lydia. Hinimatay naman ang dalaga at sinampa naman ni darrius ito papasok ng gusali.

Moonlight Tale | BOOK 1: Light within the darknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon