Chapter 27 | moíra

384 30 7
                                    




Santhe's POV




"Palayain nyo na ako! Parang awa nyo na!" Yan ang sinisigaw ko.




Paikot-ikot ako sa walang hangganan na kadiliman na ito at nag-iisip ng kung paano makakaalis dito. Habang tumatagal nasisiraan na ako ng bait dahil sa kabang nararamdaman ko. Parang may magagawa akong masama kapag di ako nakatakas dito. 



"Santhe !"



Isang pamilyar na boses na nanggagaling sa kasalungat na daang tinatahak ko. Napalingon ako at nakita ko si Calix na nakangiting nakatingin sa akin. Tumakbo ako papalapit sa kanya. Grabe ang saya ng makita ko ang mukha ni Calix ngunit nabigla ako ng lumabas sa likod nya ang isang nilalang na kamukhang-kamukha ko. Humarap si Calix dito at niyakap nya ito. Mas binilisan ko pa ang takbo.



"Hindi! Calix! Hindi ako yan!" Sigaw ko. Nakangiting nakatingin sa akin ang nilalang na kamukha ko. Bakit natatakot ako sa sarili ko? Bakit ganito ang nararamdaman ko?




Bago pa ako nakalapit sa kanila ay unti-unti silang naglahong dalawa kaya napatigil ako sa pagtakbo. Hindi man ako nakararamdam ng pagod sa panglabas pero ang utak ko napapagod na sa mjga nakikita at naiisip kong posibilidad na maaaring mangyari sa akin.




"Santhe! Bumalik ka na sawakas!" Napalingon ako sa kung sino sumigaw at nakita ko dun sila Theron na may kausap. Ako ulit yun. 



"Hindi ako yan!!" Sigaw ko at tumakbo ulit papalapit sa kanila. Masaya nilang kinakausap ang lalakeng nasa harap nila kamukhang-kamukha ko. Sumilip muli ang lalake sa akin at ngumisi na para pang nang-aasar. Napalingon silang lahat sa akin at nginisian ako ng nakakatakot.




"Sino ka ba?" Tanong ng lalaking si Darrius. 




"Darrius, ako to! Si Santhe! Hindi ako yan!" Sabay turo ko sa kamukha kong ngiting-ngiti sa gilid.



"Ikaw si Santhe? Wag ka ngang magpatawa!" Sabi ni Orion.



"Nag-iisa lang ang kaibigan namin at sya yun!" Sabay turo ni Sigfreid sa nagiimpostor. 

Moonlight Tale | BOOK 1: Light within the darknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon