Chapter 9 | psȳchē

513 37 12
                                    




Third Person's POV








Nakarating sila sa torre kung nasaan ang silid ni Mdm Agatha. Agad-agad naman silang pumasok dito at bumungad sa kanila ng mga nilalang bumubuo sa Konseho ng Mahika. Pumasok si Mdm. Agatha at pumasok naman sila. Umupo ang nakatataas na dalaga sa gitna at ang mga estudyante naman ay nakatayo lamang sa harap ng Konseho. Masinsing pinagmamasdan at pinag-aaralan ng Konseho ang itsura ng mga estudyanteng nasa harap nila.



"Bakit nila tayo tinititigan? Anong meron?" Bulong ni Cleofe sa katabi nyang si Lydia. Napakibit balikad na lang si Lydia dahil mismong sya ay hindi maintindihan ang mga nangyayari.



"Nandito tayo para pag-usapan ang nalalapit na pagtupad sa propesiya." Napatingin naman ang lahat sa nagsalitang si Mdm. Agatha. Seryoso lamang sya sa kanyang kinauupuan at hawak-hawak ang isang sobre na kaninang binigay ni Devina. 



"Handa na ba tayo?" Tanong ng isang babaeng kasama sa Konseho. 



"Sa ginawang panggugulo kanina ng nakatakdang anak ng diyos na kakalaban sa mundo, maituturing natin syang malakas. Mahihirapan tayo. Hindi pa tayo handa sa maaaring mangyari!" Dagdag ng lalake na nakaupo sa kabilang dulo.



"Hindi natin alam kung anong kaya nilang gawin pero sila napapanuod nila tayo sa kung anong paraan ang meron sila. Ano na ang mangyayari sa Akademya? Mabubuwag na lang ba ito? Matatalo tayo sa nakatakda!" Dagdag pa ng isang babaeng maykatandaan na.



"Hindi naman natin pwedeng isabak ang mga kabataang ito sa laban! Matatalo tayo! Dapat ay mabuo na nila ang kapangyarihan ng pitong anghel sa lalong madaling panahon! Hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa babaeng yun!" Dagdag pa ng lalakeng nasa pinalikod.



Sumenyas ni Mdm. Agatha na tumahimik ang konseho at sinunod naman nila iyon. Napatingin sya sa mga estudyanteng mga nakayuko lamang dahil sila ay nahihiya at natatakot sa mga taong nasa harap nila. Itinaas nya ang kanyang kamay at pinaikot-ikot ito. Napatingala naman ang lahat dahil ang mga usok sa paligid ay nagsasama-sama at bumubuo ito ng imahe. Lumitaw sa harap ng lahat ang isang malaking mapa. Napatayo ang Konseho at lumapit dito pati na rin ang 11 na estudyante ay napalapit dito. Tumayo si Mdm Agatha at tumayo sa tabi ni Professor Cudlin.



"Eto ang mapa na kakailanganin nyo sa paghahanap ng kasagutan sa mga selyo ng mga nalalabing anghel na wala pang kapanyarihan." Nanlaki ang mga mata ng mga estudyante sa sinabi ni Mdm Agatha. Nagkatinginan sila at para bang naguguluhan.



"Ibig nyong sabihin ay lalabas kami ng Academy?" Tanong ni Zoe.

Moonlight Tale | BOOK 1: Light within the darknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon