Chapter 28 | Deo

374 23 2
                                    


Helena's POV



"Sino ba ang nasa litrato na  yan? Bakit kamukha nya si Santhe natin? " Tanong ni Melody na hanggang ngayon ay naguguluhan sa nakita namin. Lahat sila naguguluhan at ako naman, galit sa sarili ko na hindi ko sya naalala.



"Sya si Deo." Sagot ko.



"Bakit kamukha nya si Santhe? Kilala mo sya?"Tanong ni Viho na hawak-hawak ang litrato.



"Kababata namin sya sa mundo ng mga tao. Ang tanga ko naman para kalimutan ang matalik kong kaibigan." 



"Nasan na sya ngayon?" Tanong ni Harp.



"Patay na sya." Napalingon naman silang lahat sa akin. 



"P-patay? Papano..?" Nauutal na tanong ni Adara.



"Niligtas nya kami para hindi kami mabuking na may mga kapangyarihan kami." Napabuntong hininga ako. Naaalala ko na ang lahat. Ang mapapait na alala namin nung mga bata.



"Paanong niligtas?" Tanong ni Adonis.



"Lumapit kayo sa akin. Ipapakita ko sa iyong lahat." Lumapit sila sa akin at naghawak-hawak kami ng kamay.



"Ipikit nyo ang mga mata nyo." Sabi ko. 





---



Third Person's POV




"Devina!" Sigaw ng isang binata na sinasalubong ang dalawang magkapatid na kalalabas lang sa isang lagusan.



"Deo!" Siagw ni Devina at patakbo na pumunta sa binata na nagngangalan na Deo.



"Buti nakatakas kayo sa ama nyo?" Sabi ni Deo.



"Si Ate Helena pa! Magaling si Ate Helena!" Sabi ni Devina at sabay harap sa kapatid nya habang nakangiti.



"Pasensya na at medyo nahuli kami. Ang hirap kasi lituhin si Ama." Sabi ni Helena.

Moonlight Tale | BOOK 1: Light within the darknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon