Chapter 38 | Chaménos

307 13 5
                                    

Santhe's POV



"Santhe." Napabalikwas ako sa kinaroroonan ko at agad na bumalik sa ulirat. Nasa harapan ko sya. Nakatayo at nakangiting tinitignan ako.



"Ikaw na ba yan?" Tanong ko. Tumango ito at umagos sa pisngi nya ang luhang kanina pang gustong kumawala.



"Ako nga, Santhe. Andito ako para iligtas ka." Nag marinig ko yung ay nag karon ulit ako ng pag asa.



"Ililigtas? Kung kelan tapos na ang lahat?" Narinig kong bulong na sobrang kaboses ko. Eto na naman sya. Guguluhin na naman nya ang utak ko.



"Wag kang makikinig sa nilalang na bumubulong sa utak mo, Santhe. Ginugulo nya lang ang magiging desisyon mo." Sigaw ni Euphemia.



"Andito ba talaga sya para iligtas ka, o para panuorin ang nakakahiya mong sitwasyon ngayon?" Napatingin naman ako sa sarili ko, Nakakahiya na nagpakain ako sa kalungkutan at kadiliman.



"Bakit ka nandito?" Tanong ko dito.



"Andito ako para ibalik ka sa amin. Sa Akin." Sagot ni Euphemia.



"Ibalik sa kanya? Bakit ngayon lang sya? Kung kelan nasa akin ka na at hindi mo na magamit ang sarili mong katawan? Hahahahahahahaha!"



"Bakit ngayon ka lang? Ang tagal kong nag dusa.." Papalapit sana sya sa akin ngunit mas kumakapal ang mga baging na pumapalibot sa akin.



"Kailangan kong pag handaan, kailangan ko ng sapat na lakas para iligtas ka."

"Sapat na lakas para iwanan at kalimutan ka."

"Wag kang makikinig sa binubulong sayo, nililinlang ka lang nya." Nagmamakaawa si Euphemia na nasa harap ko, na unti-unting nababawasan ang liwanag na bumabalot sa kanya.



"Isipin mo Santhe, ang tagal kitang pinag laruan, ibigsabihin nun, nung mga panahong yun, hinihintay ko din ang pagligtas sayo ng isang itinakda, pero sa mahabang panahon ng pag durusa mo, hindi sya dumating."



"Wag kang makikinig sa kanya, Santhe. Maniwala ka sa akin! Hindi ko sinasadyang mahuli ako ng dating"


"Sinasadya nya yun. Kahit wala ang Angel Stone sa kanya, pwede naman itakas ka muna nya kay Devina bago nya kunin ang Angel Stone hindi ba?"



"Tama ka.." Nawalan ako ng buhay sa mga binubulong sa akin. Tama sya. Dapat niligtas na lang muna nya ako.. Bago ang lahat kung ganon ako kaimportante sa kanya.



"Makinig ka sa akin.. Santhe, hindi totoo yun! Wala akong sapat na kapangyarihan upang labanan noon si Devina. Kaya naghanap ako ng paraan kung paano kita maililigtas." Nagmamakaawa si Euphemia na makinig ako sa kanya. Nakakaramdam na ulit ako ng Antok. Nakikita kong gumagapang ang itim na likidong bumalot na rin sa akin noon na ngayon ay nakapalibot sa paahan nya.



"Kapangyarihan muna bago ikaw. Dahil kung hindi ka nya maililigtas, papatayin ka na lang nya. Kung sabagay, ang nakatalagang tadhana ay mamamatay ka sa kamay nya."



"Mamamatay ako.. Sa kamay ng taong iniingatan ko? Mas mabuti pa ngang di na ako gumising sa mahimbing kong pagtulog."



"Hindi ko gagawin yun, Santhe. Makinig ka sa akin! Di ko hahayaan yun!" Pinikit ko ang mga mata ko at nag aatubiling mahulog na naman sa malalim na pag idlip.

Moonlight Tale | BOOK 1: Light within the darknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon