Chapter 21 | phós

417 32 33
                                    




Devina's POV



Matagumpay kong nakuha ang libro ng Propesiya. Ngayon, alam ko na ang mga dapat mangyari at ang mga bagay na nasa loob ng librong ito. Tama nga sila. May iba pang laman ang librong ito na makakatulong sa akin. Nabasa ko na may isang nilalang ang makakatulong sa akin. Makakatulong kung tama ba ang hinala ko. 



"Clyde." Tawag ko . Bigla naman syang lumitaw sa harap ko.



"Ano po yun?"



"Sasamahan mo ko. May isang importanteng nilalang tayo na pupuntahan." Sabi ko. Tumayo na ako sa trono ko at nagpalabas ng portal. Ang portal na ito ay papunta sa Floire. Ang lugar kung saan naninirahan ang nilalang na nakakakita ng hinaharap ng isang tao. Nabasa ko ito sa libro at kung saan sila mahahanap. Tama talaga ang desisyon kong kunin ang libro.



pumasok na kami sa portal na makakapagdala sa amin sa Floire. Ayun sa Libro, Ang pangalan ng nilalang na ito ay si Nyll (Niel / Nil). Naninirahan ito sa floire upang magtago sa mga nilalang na gusto gamitin ang kapangyarihan nya sa masama, Sa nakalagay sa libro, may isa pa syang kapatid. Babae eto pero hindi nabanggit ang pangalan nito at walang impormasyon kung kasama nya ito o hindi. Wala naman akong pakielam sa kapatid nya. Ang kailangan ko ay sya.


Idinala kami ng portal sa isang kagubatan. Mukhang dito sya naninirahan sa kagubatan na yun at sa kanya ang pamamahay na nakatayo mismo sa harap ko.



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Ano panghinihintay nyo? Pasukin nyo na yang bahay na yan!" Utos ko sa mga sumunod sa amin sa portal. Nagmadali silang pumasok sa bahay at nakarinig ako ng sigaw. Pumasok kami dun ni Clyde at naabutan namin si Nyll na pumipiglas sa mga kamay ng mga demonyo. Napansin nya na nakapasok na ako sa loob ng bahay niya at nanlaki ang mga mata. Nakatingin sya sa akin ng seryoso. 



Nyll(Seventeen S.coups.):

):

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Moonlight Tale | BOOK 1: Light within the darknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon