Chapter 5 | Devina

701 44 7
                                    




THIRD PERSON's POV





"Nabuksan na ang Chamber, Lady Devina." Napatigil sa pag-inom ang dalagitang nakaupo sa isang itim na trono at kaharap ang lahat ng kanyang kampon. Ngumiti ito at ibinaba ang baso na kanyang hawak.



"Magaling. Ngayon, alamin nyo kung sino sa kanila ang nakatakdang anghel. " Tumango ang lalakeng nasa harap nya at tumalikod para umalis.



"Talaga bang desidido ka ng kalabanin ang ama mo? Hindi pa ba sapat ang paglayo mo sa kanya?" Tanong ng lalakeng katabi nya.



"Hindi pa. Atsaka, hindi lang naman si Ama ang kakalabanin natin. Lahat sila. Kapag napalanunan ko to, ipapamukha ko sa ama ko na hindi mo kailangan maging sunod-sunodan kahit kanino. Ako na ang mamumuno sa lahat at magiging makapangyarihan pa ako." Sagot nito.



"Hindi ko aakalain isa ka sa anak ni Hades." Sabi nito. Ngumiti na lang ang babae at inabot ang baso.



"Nagsisimula pa lang ang laro. Siguraduhin muna natin na handa sila at maunahan natin sila malaman kung sino ang nakatakda. Gusto ko nasa tabi kita sa mga panahong yun, Clyde." Napangiti na lang ang lalakeng nagngangalang Clyde.



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Alam mo naman sa sarili mo na ikaw ang nasa propesiya di ba?"



"Oo. Ako ang may kapangyarihan baguhin ang nakatakda at bumaliktad sya sa pagiging mabait. Hindi magtatagal, malalaman ko kung sino sya at mapapasa-akin sya." Sagot nito. Napailing na lang Si Clyde at umupo sa tabi ni Devina.



"Wag ka masyadong magmadali. Magsaya ka muna at paglaruan sila para mas nakakapanabik ang palabas." Sabi bito habang pinaglalaruan ang buhok ni Devina.



"Maghintay at magmasid muna tayo. Nananabik na ako sa mga sa sari-saring reaksyon kapag nagsimula na akong paglaruan sila." Nakatingin sila sa isang bilog at ang pinapalabas dito ay ang pitong anghel at ang 4 na dalagita na magkakasama.

Moonlight Tale | BOOK 1: Light within the darknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon