Chapter 22 | Stigma

425 30 15
                                    




THIRD PERSON'S POV




Dinala nila si Euphemia sa Pagamutan ng paaralan nila. Pinalabas muna silang lahat ng mga prof at sumunod naman sila. Paikot-ikot naman si Santhe sa labas at ang iba naman ay namomoblema din. Tumigil si Santhe at humarap sa mga kaibigan niya.



"Ano bang nangyari?" Tanong nito.



"Hindi namin alam! Matapos dumilim ang paligid ay nagkawatak-watak kami. " Sabi ni Darrius.



"Nagkawatak-watak?" 



"Para kaming nasa ibang dimensyon. May mga bagay na nangyari sa amin na hindi mapaliwanag." Dag-dag pa ni Zoe.



"Parang nagkaroon kami ng sari-sariling illusyon." Sabi naman ni Sigfreid na nakahawak sa ulo nito.



"Akala ko di na ako makakaalis sa illusyon na yun." Sabi ni Cleofe.



"Pero, anong nangyari kay Euphemia?" Tanong ni Lydia na kinakabahan at namumuo na ang mga luha sa gilid ng mata nya.



"Ang alam lang namin, nawala ang kadiliman sa entablado at napalitan ng liwanag. Nanggagaling kay Euphemia ang malakas na liwanag na yun at lumulutang sya sa ere." Paliwanag naman ni Santhe.



"Liwanag? Paano manggagaling sa kanya yun eh ang kapangyarihan nya ay pagalawina ng tubig at lupa?" Tanong ni Orion.



"Yun nga ang pinagtataka namin." 



"Anong nangyayari kay Euphemia? Bakit may liwanag na nanggaling sa kanya?" Naguguluhang tanong ni Lydia. Niyakap naman sya nila Cleofe para pakalmahin. Lumabas si Prof. Cudlin at nagtayuan naman sila para harapin ito.



"Kamusta po si Euphemia at Helena?" Tanong ni Theron.



"May malay na si Helena, si Euphemia naman ay wala pa pero maayos na ang kalagayan nya. hinihintay na lang namin sya magising." Sagot nito.



"Pwede po ba kami pumasok?" Tanong ni Lydia. Tumango ito at tumabi sa gilid para makapasok sila sa pinto. Agad naman sila pumasok at nakita nila si Euphemia na nakahiga sa isang kama at nakaupo sa gilid nito si Helena na umiiyak. Lumapit sila dito.

Moonlight Tale | BOOK 1: Light within the darknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon