Chapter 34 | hyiós

271 15 5
                                    



Helena's POV



Nakalabas ako sa lagusan at inilabas ako sa isang madilim na eskinita. Nag palingon-lingon ako at napahinga ako ng malalim. Mukhang malaki na ang pinag bago ng mundo ng mga tao kesa sa naabutan ko noon. Tinahak ko ang daan palabas ng eskinita ngunit bago pa ako makalabas dun at pinag pasyahan kong ayusin ang itsura ko. Baka ma weirduhan sila kapag nakita akong ganto ang kasuotan. Sira-sira ang damit. Nakalimutan ko kasi mag palit bago umalis kakamadali na baka may makakita sa akin. Iniangat ko ang kamay ko at saka bumulong ng engkantasyon at unti-unting nagpalit ang damit ko at umayos ang itsura ko.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Lumabas na akong tuluyan sa Eskinita at tumambad sa akin ang naglalakihang gusali ng syudad. Napatingin ako sa kaliwa't kanan ko upang suriin ang paligid ko. Baka kasi naiiba pa rin ako sa paningin nila. Mukhang normal naman ako sa paningin nila kaya naglakad na ako at sumunod sa agos ng mga tao. Tumigil muna ako sa isang tabi at saka huminga ng malalim. 



"San ko naman hahanapin yun dito?" Kinuha ko ang litrato ng hinahanap ko. Hinahanap ko ang tunay na Deo. Napag-alaman ko na matagal ng nakatawid si Deo at nabuhay na muli sa mundong to. Napatingin naman ako sa paligid ko at napansin ko na may mga kalalakihan na nakatingin sa akin. Suot-suot nila ang mga ngiting aso at nag bubulungan habang nakatingin sa akin. 



Naisip ko, baka nakawan lang nila ako. Alam ko ang mundong to. Nanakawan ka nila. Mas maayos nang ibigay mo na lang gamit mo kesa masaktan ka pa. Ang problema lang sa akin, ibibigay ko na lang sa kanila gamit ko para di ko sila masaktan.



"Miss, nawawala ka ba?" Lumapit na pala sa akin ang isa sa mga lalaking nakatingin sa akin. napaatras naman ako dahil sunod-sunod silang nag sulputan sa harap ko at pinag kukumpulan ako. 



"Hindi." Maikli kong sagot. Hindi namana ko takot. Pero, di ko alam gagawin ko dahil bawal ko naman gamitin dito ang kapangyarihan ko. Mapapahamak lang ako pag may nakaalam na may nilalang na gumagamit ng mahika sa mundong to.



"Sama ka sa amin, kami na bahala sayo." Hahawakan sana ako ng lalake sa kamay ko pero agad kong binawi ito. Ngumiti na lang ako ng pasarkastiko at tinitigan sila ng masama.



"Wag nyo ko guluhin, pwede ba?" Mahinahon kong pagkasabi. Nagkatinginan naman sila.

Moonlight Tale | BOOK 1: Light within the darknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon