Chapter 10 | ainigma

503 31 27
                                    




THIRD PERSON'S POV




Dalawang araw na ang lumipas nung pinalabas sila ng Academy. Ang labing isang estuudyante ay sinimulan nang maglakbay para hanapin ang mga kasagutan sa bawat selyo ng apat na anghel. Dahil hindi nila alam kung kelan mangyayari ang nakalagay sa Propesiya at dapat maunahan nila malaman kung sino ang nakatakdang anghel sa pitong anghel na kasama nila para sa kaligtasan nito at ng buong mundo.



Naglalakad sila sa gitna ng kawalan. Ang grupo ng kabataan na walang kaalam-alam sa nangyayari sa mundo na nasa labas ng Akademya na ngayon ay pagala-gala sa labas nito. Sa dalawang araw na paglalakbay nila ay nararamdaman nila ang pagod at takot sa bawat hakbang na ginagawa nila.



"Ipaalala nyo nga kung bakit tayo naglalakad lang?" Sabi ni Cleofe na hinihingal na sa sobrang pagod.



"Para hindi tayo makatawag pansin sa mga nilalang na nakapaligid sa atin. Malay ba natin kung ano na lang ang susulpot sa damuhan." Sagot ni Zoe.



"Kaya naman natin silang labanan ah?" Dagdag pa ni Cleofe.



"Magsasayang lang tayo ng oras kung kakalabanin pa natin sila atsaka, sabi dito sa mapa ay malapit na tayo sa Lambak ng Candias." Sagot ni Euphemia na hawak-hawak ang mapa.



Naglakad pa sila at napapansin na nilang mas pakapal na ng pakapal ang puno na nasa paligid nila. Mas tumataas na ang talahiban at mas dumidilim ang paligid dahil natatakban ng matataas na puno ang nasa baba nito. Patuloy ang paglalakad nila hanggang sa makarating sila sa maliit na ilog.



"Sa kabilang dulo ng ilog na to ang Lambak ng Candias. Tara na." Sabi ni Euphemia at itinago na ang mapa.



Naglakad na sila patawid ng ilog. Hindi naman ito malalim dahil hanggang tuhod lang ito. Malamig ang rumaragasang  tubig sa ilog at malinaw ang tubig. Nararamdaman nila ang gumuguhit na lamig ng ilog sa kanilang paahan at binti. Nang nakatawid na sila ay ginamitan ni Lydia ng kapangyarihan ang basang laylayan ng damit ng kanyang mga kasama at tinanggal ang pumasok na tubig dito para ito ay matuyo. Napahinga ng malalim ang lahat at napaupo sa batuhan ng ilog.



"Sa wakas nandito na tayo!" Sigaw ni Orion. Tinakpan naman ni Cleofe ang bibig nito.



"Shh. Wag kang sumigaw. Baka marinig tayo ng halimaw na sinasabi nila na naninirahan dito." Napatingin naman sa paligid ang lahat at wala naman silang nararamdaman na masamang aura.



Nagpasya ang grupo ng kabataan na magpahinga muna at kumain sa tabi ng ilog. Oras na din ang pagkain nila at napapagod din sila. Naglatag sila ng sapin sa damuhan at umupo dito habang ang iba naman ay nilalabas ang mga pagkain sa kanilang maliit na pitaka. Nagsimula na sila kumain ng tahimik dahil iniiwasannilang may makapansin sa prisensya nila.

Moonlight Tale | BOOK 1: Light within the darknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon