Chapter 7 | broché

578 35 1
                                    




Lydia's POV






Pumunta sa amin si Euphemia para sabihing maayos na ang lagay ni Santhe. Lahat sila ay nagkasundong puntahan si Santhe pero ako lang ang humiwalay. Gusto ko kasi munang pumunta sa Cafeteria para kumain. Alam nyo naman siguro na gutumin ako diba? Alam nyo yan dahil sobrang payat ko! 



Naglakad ako papunta sa Cafeteria. Wala akong kasama kaya tahimik din ako. Naglalakad lang ako na may seryosong mukha na nakatingin sa lahat. Napapatingin din sila sa akin marahil dahil sa kapayatan ko o ano? Teka-- Bastos pala tong mga to kung tinitignan ang kapayatan ko! Ano ba tong iniisip ko? Nagugutom na nga talaga ako.




Pumasok ako at nakita ko kakaunti lang naman ang mga estudyante sa Cafeteria. Halos patapos na din kasi ang oras ng pagkain kaya siguro konti na lang ang nandito. Lumapit ako at itinaas ang kamay ko. Kilala na kasi ako agad dito kaya alam na nila kung ano ang mga pagkain na gusto ko. Kinuha ko ang iniabot sa akin ni kuya at humanap ng upuan. 




Nakakita ako ng upuan sa di kalayuan. Pang dalawahan ang upuan kaya panigurado ay mahihiya sila kung makikiupo pa sila sa akin. Ang daming bakanteng upuan tapos sa akin pa sila tatabi? ano sila? hibang lang? Sinimulan ko na ang pagkain. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang paglabas at pagpasok ng estudyante sa Cafeteria. Masaya din pala kahit na mag-isa ano? Ang tahimik ng mundo ko.




Kain lang ako ng kain hanggang sa napansin kong may pumasok ng pinto ng Cafeteria. Agad ko namang iniharang ang kamay ko sa mukha ko para di nya ako makilala. Narinig ko naman ang yabag ng paa nya at ang pagingit ng upuan na nasa harap ko. Wala na akong nagawa kundi tanggalin ang kamay na nasa mukha ko dahil nakilala nya na ako.




"Madaming upuan sa loob ng Cafeteria. Bakit dito ka pa?"




"Bakit ba? Masama bang tabihan kita?" 




"Oo. Tignan mo ang mga mata nila. " Napatingin naman sya ng pasimple sa mga estudyante. Nakita naman nya ang mga mata nito na nakatingin sa direksyon namin.




"Pakiusap, Calix. Wag mo ko guluhin ngayong araw na to."




"Wala akong balak na guluhin ka. Binabantayan lang kita."

Moonlight Tale | BOOK 1: Light within the darknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon