Chapter 64

2.6K 72 61
                                        

Neil's POV

Ang busy ng schedule naming lahat, maliban sa baby ko, matagal na namin siyang hindi nakakasama, ilang linggo narin. Tsaka hindi lang naman iyon ang dahilan namin bakit hindi muna kami nagpapakita sa kanya, mahirap pero para din naman sa kanya eh.

Napagkasunduan kasi naming pito na wag na muna namin siyang puntahan habang naghahanda kami ng surpresa para sa kanya sa valentines. At dahil narin sa kadahilanang pinaka magulo ang buwan na ito, maraming babae ang lumalapit saamin may nagbibigay ng mga chocolates, bear, bulaklak at kung ano ano pa at mahirap takasan ang mga babaeng naghihintay sa labas ng room niyo everyday. At kailangan pa naming bantayan sa buwan na to si Ivan. Lahat naman kami kaya namin ang sarili namin it just happened na masyadong mabait si Ivan na hindi niya kayang manakit ng ibang tao kaya ang ending siya yung nasasaktan. I'm not saying na nananakit kami its more of a.... Self defense?

If she only know how much I missed her. Gusto ko ng umamin sa kanya na gusto ko siya, pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Natatakot ako na baka layuan niya ko kaya hindi ko alam kung aamin naba ako mamaya o mananahimik nalang ako habang buhay.

"Are you gonna tell her?" Parang nabasa ni OJ ang nasa isip ko

Nasa bahay kami ngayon inaayos ang dapat ayusin bago namin sunduin si CJ

"Di ko alam, natatakot ako" pag amin ko sakanya

"Why?" Tanong niya sakin at binitawan ang hawak niyang gitara

"Paano kung ayaw niya sakin? At mag bago ang tingin niya sakin? Hindi ko kayang mawala siya sakin" sabi ko

"Paano kung gusto ka niya?" Sabi naman ni Reid

"Paano kung hindi?" Si Paul

"Puro nalang ba paano?" Si Ivan

"Uuuugggghhhhh! Hindi ko na alam" sabi ko sabay gulo ng buhok ko

"She likes you, alot" sabi ni OJ

"Do you like her?" Tanong ko sa kanya

Tapos tinignan lang niya ako nag titigan kaming dalawa, walang gustong mag-alis ng tingin

"-.-" siya, tapos kinuha ulit yung gitara, wala man siyang sinabi tingin lang

"So gusto mo nga siya?" Tanong ko ulit
Alam ko na ang sagot sa tanong ko gusto ko lang marinig

Hindi parin niya ako sinasagot ni hindi na niya ko tinitignan nag gigitara nalang siya

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya?" Tanong ko pa

"Pwede karin naman umamin sa kanya kung gusto mo talaga siya at kung ikaw yung piliin niya magiging masaya ako para sa inyong dalawa" sabi ko kahit hindi ko naman alam ang sinasabi ko

Kaya ko ba?
Na makita si CJ na iba ang kasama? Siguro? Kung masaya naman siya diba?

"I liked her, but you like her first" sagot niya sakin

"So? Hindi naman ibig sabihin non hindi mo na siya pwedeng gustuhin" sabi ko alam ko magulo ito

Ito ang unang beses na nagkagusto kaming sa iisang tao, at ito rin ang unang beses na nagkagusto siya. Meron siyang bestfriend noon si Nicole pero hindi naman niya ito nagustuhan romantically, parang kapatid lang ang turing nito at hanggang kaibigan lang talaga ang tingin niya dito.

"Okay lang sayo?" Tanong niya sakin this time tinitignan niya ulit ako

"Oo naman, bakit hindi? Alam ko naman na hindi siya mahirap magustuhan kaya hindi nako magtataka" sabi ko which is totoo naman talaga

Diary ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon