Chapter 38

31.6K 191 86
                                    

Note: Until AN may message si OJ!!!

"Cj anak , andito sa sundo mo!" Si mama kung maka sigaw naman 7:30 palang at nagsusuklay nalang ako nakaligo nako maaga lang talaga si kuya OJ!

"Bababa napo" sigaw ko pabalik , tapos kinuha ko yung bag ko at syempre sinuot ko yung salamin ko , di ako makapagtali ng buhok kasi basa pa eh.

Pagdating ko sa baba si kuya OJ wala nakaupo lang sa sala nakikipagkwentuhan kay mama

"Tignan mo oh binigyan tayo ng cake" sabi ni mama pinakita sakin yung cake na dala ni kuya OJ , tapos pumasok sa kusina ireref siguro

"Pinapabigay ni mama" sabi naman ni kuya OJ

"Nag-almusal kana ba kuya?" Ako kasi hindi pa at balak kong gawing almusal yung cake haha

"Oo , ready kana? Tara na" sabi ni kuya OJ

"Teka hindi pa , hindi pako nag-aalmusal" angal ko

"Bili nalang tayo ng pizza at coffee , tara na" honestly gusto kong umangal ulit pero pizza yon sayang hahaha

"Sige ! Ma alis napo kami!" Sigaw ko para marinig ni mama

"Di na kayo mag-aalmusal? " si mama bumalik na sa sala

"Hindi na , bibili nalang kami sa labas bbye"

"Sige po tita mauna na kami" paalam ni kuya OJ

"Ingat kayo" si mama

Nung nasa sasakyan na naalala ko wala palang headset and charger yung binigay niyang ipod kaya diko magamit lowbat na hahaha

"Kuya yung ipod , walang charger at headset" sabi ko kapal ko din eh no? Kahapon tatanggi tanggi ako ngayon hinihingi ko pa yung headet at charger hahaha

"Dala ko nasa bag ko " sabi ni kuya OJ

"Ahhhhh , kuya first time ko mag babaguio eh gaano ba kalamig don? Tanong ko

"Dipende may times na endurable yung lamig kahit hindi ka mag jacket , pero mas maganda yung naka jacket ka kasi malamig talaga lalo na pag gabi b

, nag dala ka ng jacket?" Tanong niya sakin

"Hindi eh , okay lang kaya ko naman yung lamig eh" oo mahilig ako sa malamig 24/7 bukas aircon ko eh haha

"Seryoso?" Siya sabay tingin sakin nakapila kami sa drive thru ng starbucks eh

"Oo nga ! Chaka wala naman talaga akong jacket sa bahay kahit gusto ko pang magdala " totoo naman eh wala talaga ako kahit isang jacket lang ewan ko ba

Tinignan lang niya ako na parang napaka hopeless ko tapos Nagdrive na ulit siya

"Tssssk! Buti nalang madami akong dalang damit" sabi niya

"Anong connect?" Tanong ko sa kanya

"May maipapahiram ako sayo! Ikaw kahit kailan talaga tsssk" ayan nanamn siya sa tssssk niya ahas ba siya?

"Wag na , wag mo nakong pahiram nakakahiya naman sayo"

"Ayos lang kesa naman manigas ka sa lamig don! Ako pa maykasalanan" sabi niya tapos umorder ng coffee sa Starbucks drive thru , kanina pa kami naka bili ng pizza eh :) kanina ko padin kinakain to

Nung naka order na siya syempre nagdrive na siya ulit hahaha

"Kuya gusto mo ng pizza?" Tanong ko

"Wag na nag ddrive ako" sabi niya

Para naman hindi siya makakakain pag nagddrive siya

"Subuan kita gusto mo?" Offer ko siya naman nagbayad ng pizza chaka ng coffee unfair naman kung dina makakakain diba?

Diary ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon