Chapter 68
Wow! Ako pa yung insensitive? Ano nanaman bang ginawa ako at pinagsungitan ako nung panget nayon?!
Tawag sila nang tawag, tanong nang tanong kung nasaan ako, tapos nung pinuntahan ko sila, masasabihan lang ako ng insensitive?!Hindi ko na nga halos masagot ng maayos yung exam ko kanina dahil out of the blue tumawag siya . Hindi ko na maintindihan ang nasa test paper ko dahil isa lang ang tanong na tumatakbo sa isipan ko, anong kailangan niya? Tapos ako pa yung insensitive?!
Ano bang ginawa ko? Tinanong ko lang naman bakit umiiyak si Blacky tapos ayon
"Date me" ayan nanaman kanina ko pa naririnig yang date me, date me nayan.
Ang random lang na pababa ako ng stairs nagmamadaling hanapin si Reid dahil may narinig akong bumagsak at boses ni panget, nasa baba si Blacky at nakatingin sakin I mean its hard not to noticed such a beautiful woman, oo na inaamin ko maganda siya, tapos nung nasa harapan na niya ko biglang
"Date me" yan ang sinabi niya ng nakatingin sa mga mata ko, muntik na nga akong umoo dahil sa tingin at sa tono niya, pero nakita ko si Reid kasama si Panget akala ko may nangyari kaya iniwan ko siya doon and for some reason ang bigat nang pakiramdam ko, guilt? But why would I feel guilty over something I've never done wrong?
Tinignan ko yung black box na may violet na rose, ano namang gagawin ko dito? Para sakin daw to sabi ni panget
Tapos naalala ko din yung mga narinig ko sa phone kanina bago ko makita si Blacky
"Thank you, but I think I should go" sabi ng familiar na boses
"Napano yon?" Boses ni Reid
WTH is going on?!
"Nasaktan siguro siya nung marinig niyang may date si kuya OJ" boses ni panget , sinong nasaktan?!
"Bakit naman masasaktan?" Tinanong ni Reid bago ko pa matanong
"Galing pa siyang Manila pumunta lang dito para makita si kuya OJ tapos maririnig lang niyang may date si kuya OJ?" Sabi ni Panget, sino tinutukoy niya si Blacky? Tapos ayon parang nasagot nanaman yung tanong ko ng sinabi ni Blacky na "Date me"
"Wow ang ganda naman niyan anak, para kay CJ bayan?" Sabi ni Mama ng nakasalubong ko siya papasok ng bahay
"Hindi" tipid na sagot ko
"Para kanino? Sa akin?" biglang nag light up yung mukha niya, is she expecting flowers from me?
"Nah, para sakin daw" sabi ko tapos iniwan ko na si mama
"Sinong nagbigay?" Sinundan niya ko
"Si Blacky" sagot ko
"Blacky? Aso?" Si Mama na makulet at hanggang sa pag panik ng hagdan sumunod
"I mean EJ" sabi ko
"Ay bongga mo naman, at ang babae pa talaga ang nagbigay sayo ng Roses alam mo bang ang meaning ng Roses nayan ay 'love at first sight' fascination okaya naman adoration" sabi ni mama tapos tinignan ko siya
"EJ you said, I like CJ for you honestly but this girl EJ is really sweet, I haven't met her yet but I like her already" sabi ni Mama before ko pa siya mapaalis siya na mismo yung umalis
Love at first sight? Hah! (Speechless)
Pagpasok ko sa kwarto ko binaba ko yung bulaklak sa may table malapit sa bed ko tapos napansin ko yung black card sa loob na may nakasulat na hindi ko maintindihan, korean? Eh hindi naman ako marunong mag basa neto eh 🙄 binaba ko yung card at tumayo para maligo
BINABASA MO ANG
Diary ng Panget
Teen Fictiondear diary yung feeling na college nako pero wala padin ako mga kaibigan ? Dahil itchura ko ?mukha kasi akong nerd eh T.T hellllllpppppppppppppppp...