Chapter 29

31.2K 169 45
                                    

Halos hindi ako makakita sa sobrang liwanag ng ilaw na nakatapat sakin parang spot light

Tuloy lang agos ng luha ko , kahit nasisilaw ako sa ilaw, sobrang sakit kasi yung isipin na wala na yung mga kuya ko galit na sakin , hindi sila pumunta sa bahay which means ayaw na nila sakin T.T

Pero nagulat nalang ako ng biglang may yumakap sakin ang yakap na matagal ko ng hinihintay

Yung yakap na alam kong , anjan siya , tinitignan ako , safe ako ,espesyal ako ang yakap ni Kuya Neil

Alam kong siya yon kahit hindi ko makita kasi ang mukha ko nasa chest niya

Mas naiyak ako ewan ko ba bakit basta yakap niya ako masmasarap umiyak

"Kuya...hik...sorry ...hik...wag...na...hik...kayong...hik...magalit sakin...hik...." Sabi ko umiiyak padin ako

"Sssshhhhh wag ka nang umiyak CJ hindi naman kami galit sayo eh" sabi niya sakin mas naiyak ako

Kasi hindi daw sila galit sakin pero hindi ako pinapansin ,at hindi ako tinawag na Baby , CJ ang tinawag sakin

"Kung hindi kayo galit bat , hindi niyo ako pinapansin , kung pwede nga sabihin niyo mismo sa mukha ko na iniiwasan ka namin, tapos....tapos hindi na baby ang tawag mo sakin...." Sabi ko habang umiiyak padin bakit? bakit , minsan lang naman akong nagkamali ganon ba talaga kalala yung ginawa ko?

"Kasi kailangan naming gawin yon, kailangan namin ng konting space, at may mga bagay kaming dapat gawin , at hindi namin magagawa yon kung kasama ka namin , at magmula ngayon hindi kana namin baby, sorry" sabi sakin ni kuya Neil na bumasag ng puso ko sobrang sakit sobra na marinig ko yon mula sa kanya

Biglang namatay yung ilaw

"Its time for you to let me go , CJ" sabi niya humiwalay na siya sa yakap sakin

Hindi ko alam ang sasabihin ko masyadong masakit ang nararamdaman ko at umurong ang dila ko

Hinigpitan ko lang ang yakap ko sakanya

"Kuya please give me another chance babawi ako promise, hinding hindi nako magjojoke ng ganon alam ko kasalanan ko yon kuya sorry na please.." Sabi ko

Pero hindi siya nagsalita tinangal lang niya yung kamay ko sa kanya nanlalambot ako

"Sorry" sabi niya tapos hinalikan ako sa noo

Speechless ako nakapikit umiiyak dinadama kung saan huling dumampi ang labi niya

Hahabulin ko ba siya o tatanggapin ko nalang ????

Pagmulat ng mga mata ko wala ulit akong makita , dahil madilim walang kailawilaw ang liwanag lang ng buwan na pumapasok sa mga butas ng bintana pero blurred dahil bulag ako sa madilim wala na si kuya Neil T.T

Pero nabulag ako ng bumukas ang lahat ng ilaw sa loob ng gym medyo naninibago pako sa mga nasapaligid nalilito

Kung bakit naka ayos ang gym na parang may event lahat ng tao dito naka formal dress ,naguguluhan ako lalo na ng makilala ko ang mga taong nandito

Si Mama , Papa, kyle , Kc, Mga kuya Ko kumpleto sila , ang President ng School?! Na mama ni Kuya neil .....Anong meron

Naguguluhan ako?

"Ah...anong meron?" Tanong ko habang nagpupunas ng luha

"Naku ano bang laman ng utak mo at nakalimutan mong today is your 17th birthday" sabi sakin ni kuya Neil na nasa harap ko pala

Oo nga pala November 11 ngayon at ngayon ang birth day ko,bat nakalimutan ko? Masyado kasi ako nagiisip ng gagawin para mapatawad nila ako eh

"Kaya busy kami at walang time sayo , kasi naghahanda kami para sa birth day mo , hindi kami umiiwas gusto kalang namin isurprise " sabi niya sakin tapos hinawakan ang kamay ko

Diary ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon