December 21 dalang araw ko na silang di nakikita
Wala namang bago sa pasko ko boring padin gaya ng iba kong mga pasko ang pinagkaiba lang ngayon masakit yung puso ko , dati malungkot lang ako kasi wala akong kaibigan pero ngayon di ko ma explain yung nararamdaman ko .
Nagsipag datingan na yung mga kamag-anak namin malaki yung bahay nila Lola kaya kasya kami dito , tho yung mga pinsan kong babae sama sama sa iisang room kasi close sila ako hindi, una dahil sa age gap ikalawa ewan ko sa kanila di nila ako pinapansin eh , kaya di ko nalang din pinapansin
Alam niyo sa sobrang pagkabored ko wala akong ibang gawin kundi ang isipin kung anong ginagawa ng mga kuya ko ? Namimiss ko na sila eh , pero wala kasalanan ko naman bakit nagkagulo..... parusa ko to .
Tok ... Tok
"Sino yan ?" Tanong ko sa kumatok
"Cj nak si mama to , pwedeng pumasok ?"
"Bukas po yan" sabi ko nalang
"Nak sabihin ko na kaya sa mga kuya mo ?" Sabi ni mama
"Wag po ma , please ?"
"Eh nak gusto mo bang malaman gano ka nila kagustong mahanap ?"
Tinignan ko lang si mama
Tapos pinakita niya sakin yung phone niya
Every second may dumarating na messages
Tapos pinakita din yung phone ni Papa after ng isang ring , mag riring ulit
"Kagabi pa to nak , buti nalang naka leave kami sa work kung hindi , hindi pwede to" si mama
"Asan naba kasi yung phone mo?" Tanong ni Mama
"Na kay kuya OJ , pati yung card mo , chaka pera ko , naiwan ko kasi yung bag ko sa kotse niya eh"
"Napano ba kasi?"
"Regalo mo ma" paalala ko sa kanya
"Sabihin mo lang nak , ipapahatid kita agad sa papa mo , ayusin mo na yan di nako sanay na malungkot ka eh" sabi ni Mama
"Sige po" sabi ko
"Nga pala kung ayaw mong lumabas at makipag bonding sa pinsan mo , magmall ka diba wala kapang pamasko?" Tignan mo si mama ang tanda ko na pamasko daw oh -.-"
"Ah wag napo , nag dala naman po ako ng mga damit yon nalang po"
"Basta may kailangan ka , nasa baba lang ako okay?"
Tumango nalang ako tapos lumabas na si mama
Ano bang gagawin ko dito? Matulog nanaman ? Tapos ano ? Magigising ako umiiyak kasi napanaginipan ko nanaman mga sinabi ni Kuya Neil ? Wag nalang. Di bali ng puyat .
Maghapon nanaman akong nakatunganga
Tok ...Tok
"Sino yan?" Tanong ko ulit
"Hey it me Jaymie , I was wondering if you wanna join us ?" Ngayon alam niyo na bakit di ko sila close ?
Di man siya nag-abalang pumasok sigawan lang kami dito
"Where ? What ?" Tanong ko ubusan kasi ng english
"We're playing volleyball and they want you to join us"
BINABASA MO ANG
Diary ng Panget
Novela Juvenildear diary yung feeling na college nako pero wala padin ako mga kaibigan ? Dahil itchura ko ?mukha kasi akong nerd eh T.T hellllllpppppppppppppppp...