Chapter 37

30.8K 154 42
                                        

"San ba kasi tayo pupunta kuya?" Tanong ko nasa kotse na kami nag ddrive siya

Naka pants lang ako at shirt na malaki sakin at the famous dollshoes

"Basta malapit na tayo" sabi niya tapos papasok kami sa isang subdivision na mayayaman lang ang nakatira oo guys mayayaman!

"Uy teka papapasukin tayo?" Excited na tanong ko

"Oo" poker face siya

"Wow sinong kilala niyo diyan? Siguro bigtime no? Kasi minsan kahit may kilala kapa , eh hindi ka papapasukin hanggat hindi ka sinusundo ng kilala mo!" Sabi ko na eexcite talaga ako pangarap ko kayang tumira dyan

" marami akong kilala" sabi niya

Ang nice niya no bat ba sumama ako huhu

Alam niyo yung sa sobrang arte ng subdivision eh ang tagal bago ka pa maka pasok kasi ichecheck ka ng mga guard yes papababain ka para kapkapan at ichecheck ang car mo ! Lalo na pag visitor ka lang!

Pero nung turn na namin binaba lang ni kuya OJ yung window niya

"Goodevening Mr. Garcia" sabi lang nung guard aba bongga kilala siya ng mga guard!

"Wow ganon lang yon sayo?" Sabi ko na amazed

Sorry ah bana ako kasi eto lang yung subdivision na bongga may mall sa loob guys! At yung mall nato hindi ka makakapamili kung hindi ka member ! Tapos yung tinda nila eto yung mga hindi basta bastang items , eto yung lagi mong hinahanap sa mall pero wala , galing ibang bansa! Pano ko nalaman? May kilala si Papa dito at pinagdaanan ko na ang hirap ng pagpasok pero hindi ako makapamili kasi hindi kami member!

"Sino bang kilala mo dito kuya?" Tanong ko ulet malayy niyo sagutin ako ng seryoso

"Yung may-ari!" Sabi niya

"May-ari?! Wow paki sabi sa may-ari bawasan ang requirements para maging member dito! Hindi ko tuloy mabili yung gusto kong bilin sa mall dito" joke ko

"Bakit may gusto ka bang bilhin dito?" Sabi niya sakin

"Oo ang dami ! Alam mo yung feeling na pumasok ako sa isang boutique tapos ang dami kong napili, tapos ng babayaran na hinahanap nila ang membership id ako! Eh first time kong pumasok sa mall na ganon badtrip kaya nakakahiya yun!" Sabi ko habang inaalala ang nakakahiya kong experience dito

"Mamaya dadaan tayo" sabi niya sakin

"Wag na mababadtrip lang ako diko din mabibili di naman ako member" sabi ko

"Ako member ako" sabi niya sakin

"We? Seryoso?! Diba para maging member ka eh dapat maybahay kayo dito , or dito kayo nakatira?" Sabi ko oo tama , para maging member dapat may bahay kayo dito!

"Oo " tipid na sagot niya

"May.....may bahay kayo dito?!" Shock ako eh no haha

"Aray bat kaba sumisigaw?" Reklamo niya

"Sorry , di lang ako makapaniwala " sabi ko hehe

Grabe ang daming magagandang bahay dito! Pero ang pinaka gusto ko non yung nasa pinaka sentro ng subdivision yung bahay sa sobrang laki ang estimate nga daw ni papa sa bahay nayon uubos ng 50 million pa taas ! Kitang kita mo parin naman ang mga bahay kahit naka bakod , itong bahay na gusto ko eh ang taas ng bakod at ang laki ng gate pero kita mo padin ang ganda ng bahay kasi parang nasa mataas siyang lupa , sabi nga ni papa baka daw ang may-ari ng subdivision ang may-ari non kasi daw yon ang pinaka malaking bahay dito tapos nasa gitna pa imbis na yung mall ang nasa gitna , tama nga naman si papa!

Diary ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon