Chapter 13

38.1K 238 37
                                    

wala nagyakapan lang kami ni kuyang pogi sa Mcdo , syempre joke lang bumitaw agad ako nahihiya kasi ako at may mga tao pa kasi dito na ang tingin samin ay parang mayhawak na panget si Neil , ay panget nga pala ako huhu

"ah kuya kasi naman sorry na hindi ko naman alam na magagalit ka eh " pero sa totoo lang kung everytime na magagalit ka tapos maiiyak ako at yayakapin mo gagawin ko yon lagi haha joke



" ano kaba ako dapat ang magsorry natakot kita , natakot lang kasi ako na baka naiwan nanaman ko " siya yan habang ang mata niya ay puno ng lungkot , takot ewan hindi ko maintindihan

ang tanging alam ko lang ngayon ay kailangan na naming bumili dahil meron nalang kaming 30 minutes before ang second subject

" bakit naman kuya " tinanong ko siya eh sa hindi ko alam kung ano itatanong eh



" tara order na tayo " yan lang ang sagot niya halatang ayaw pag-usapan syempre rerespetuhin ko ang gusto niya kung gusto niyang mag open up makikinig naman ako eh ayoko siyang pilitin :)

"sige tara na kuya, libre mo ko diba? lahat ng gusto ko oorderin ko " biro ko to lighten up the mood , sige inaamin kuna pabiro ang tono ko pero sa loob loob ko seryoso ako haha wala kaya akong hiya ,joke!

"haha sige ba " hala sineryoso? ay salamat naman ngumiti na siya grabe ang gwapo pala talaga niya

umorder na si kuyang pogi habang ko naghanap ng upuan hotcake lang naman at hot choco ang inorder ko nakakahiya kasi eh haha , oo nahiya pako sa lagay na yon , pero parang okay lang naman eh kasi mayaman siya haha , uy hindi ko sinasamantala ah?!

after niyang umorder syempre kumain na kami yung kanya Burger ,fries at pineapple juice , ang aga aga ganyan meal niya naku haha , ako naman na enjoy ko ang isang pirasong hotcake ko kasi kinain niya yung isa first time daw niyang titikman at dahil nagustuhan niya inubos na yung isa naku, pero okay lang naman haha libre naman niya eh :) , pero ang hindi ko kinaya is pinipilit niya akong subuan ko siya nung una ayaw ko pero dahil naawa nako sakanya kasi mukha siyang tanga na naka nganga ang sabi niya sakin hindi niya isasara ang bibig niya hanggat hindi ko siya sinusubuan gaya nga ng sabi ko pag sinabi niya gagawin talaga niya kaya ayun sinubuan ko , may ilang naka kita na nandiri may ilang kinikilig naku no ito kasing si kuyang pogi ang kulet niya lagi siyang ganyan naku ang swerte ng girlfriend niya kasi lahat na ata nasa kanya .

after namin kumain hinahanap niya yung assignment ko sa funac kasi nga diba yon ang ginamit kong palusot tapos sabi niya gagawin niya for me , pero ang totoo wala naman talaga kaya ang sabi ko nalang oras na kasi 5 minutes nalang next subject nanamin alam niyo ba ang sagot niya??

" ay akina diba sabi ko naman sayo gagawin ko ? anong oras ba funac niyo hatid ko na lang before funac mo " diba san ka makakahanap ng ganyang lalaki?!

"ay kuya wag na ako nalang last subject ko pa naman yon eh gagawin ko nalang mamaya sa room" palusot aminin mo na kasing wala naman talagang assignment

" ano kaba ok lang yon magkaibigan nga tayo diba?" siya yan sweet niya no?! ang kulet nga lang ano gusto niyo sainyo nalang siya oh?! , joke lang haha

"ihhh kuya wag na ako nalang talaga kaya ko naman promise kaya tara na " pilit ko sa kanya



"hindi , hindi ako aalis dito hanggat hindi mo binibigay " siya yan may pa pout pout pa siya halikan ko to eh joke ulit haha



at dahil alam kong gagawin talaga niya yon napilitan nakong gawin ang bagay na to

" fine eto yung book ko page 111 yung activity 2 ang sagutin mo ah? bigay mo nalang sakin sa stl 407 " ako yan hinula ko lang yung page and activity haha sana tumama ang kulet eh buti nalang hindi niya chineck .kinuha niya yung book at ngumiti na siya tumayo at hinila ako palabas ng mcdo salamat naman

Diary ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon