Pagmulat ng mga mata ko nakita ako ng isang tulog na anghel , syempre joke lang paggising ko tahimik lang sa kwarto at wala din ang mga kuya ko
"Ano nabang oras" sabi ko , tsaka ko tinignan ang aking orasan
"9:30?!" Grabe ang tagal kong matulog ang naaalala ko past 2 ng matulog ako
Asan naba yung mga kuya ko ?
Lumabas ako ng kwarto ni Kuya OJ para hanapin sila"Ate nasan mga kuya ko?" Tanong ko sa nakasalubong kong katulong
"Ma'am kanina pa po umuwi sina sir" sagot sakin ni ate
"Umuwi? Iniwan ako?!" Nabiglang tanong ko
"Bilin po ni sir OJ pag may kailangan kayo sabihin niyo lang po" sabi ni ate sakin
"Nasan si kuya OJ?" Tanong ko
"Nasa kwarto po niya" sabi niya
"Kwarto ? Galing lang ako don ate wala man siya " sabi ko
"Sa baba po ma'am"
"Ah , oo nga pala sige ate salamat" sabi ko tapos iniwan ko na siya oo nga pala nakalimutan kong icheck yung room niya sa baba na connected sa kwarto niya hay
"Gising kana?" Sabi ni kuya OJ habang hindi inaalis ang mata sa computer niya, nasa room/musicroom/gameroom/theater
"Oo napasarap pala tulog ko , bakit hindi niyo ko ginising?" Sabi ko at umupo sa harap niya
"Ginising ka namin para sumabay magdinner , pero wala sobrang tulog mo , pati si mama ginising ka ayaw mong bumangon hinayaan kana namin" sabi niya
"Totoo? Hindi kaya ako ganon madali lang akong gisingin imposible" sabi ko
"Uy baby gising na" sabi ng boses na hindi ko alam kanino pagtingin ko sa likod ko maynagpplay na video
"Baby bangon na kakain na tayo" sabi ni kuya Neil, ginigising niya ko sa video
"Hmmmm" yon lang ang sinagot ko sa video at tinalikuran siya habang natutulog ako
"Ano bang ginawa niya at tulog na tulog?" Naiiritang tanong ni kuya OJ sa video
"At bakit ka nagvivideo?" Tanong niya sa kung sino man ang may hawak na camera
"Wala para mapakita ko sa kanya at ng maasar ko siya ,kanina pa natin siya ginigising pero wala mahimbing parin tulog niya" sabi niya at tumawa pa parang si kuya Reid
"Kakain ba kayo o hindi?" Sabi ng kakapasok lang na si Tita Ja
"Ayaw bumangon ni baby tita" sabi ng nagvivideo
"Ako gigising" sabi ni tita tapos nilapitan niya ko
"CJ nak bangon na kakain na" sabi niya at hinawakan pako sa balikat at inalog ng bahagya
"Aishhhhhh"naiiritang sabi ko at ibinaon ko ang ulo ko sa unan OMG!
"Mukhang kailangan talaga niya ng tulog hayaan niyo na siyang magpahinga mamaya niyo na gisingin , bumaba nakayo at kumain" tapos nag end na yung video
"Ako yon?" Tanong ko na nahihiya kay kuya OJ
"Ay hindi ako" sabi niya pero hindi yung naiinis yung itchura niya
"Grabe nakakahiya" sabi ko
"Meron ka non?" Sabi niya
"Uuwi nako kuya sobrang nakakaabala nako tsaka baka hinahanap nako" sabi ko
BINABASA MO ANG
Diary ng Panget
Teen Fictiondear diary yung feeling na college nako pero wala padin ako mga kaibigan ? Dahil itchura ko ?mukha kasi akong nerd eh T.T hellllllpppppppppppppppp...