Chapter 65

2.9K 66 64
                                    

OJ's POV

Alam na ng lahat ang nararamdaman ko kay panget pero hindi ko alam bakit hindi ko masabi ng malakas yon, tsaka noon paman sinabi ko ng ibinibigay ko na si CJ kay Neil kahit sa simula palang hindi naman siya naging akin.

Mahal ko siya, oo alam kong mahal ko siya at alam ko din sino ang gusto niya.

Siguro napalaking kalokohan ang gagawin ko, I mean pinapaubaya ko na ang taong mahal ko sa iba, hindi iba si Neil kaibigan ko siya, parang kapatid narin at dahil alam kong doon siya sasaya, kay Neil. Pero hindi ibig sabihin non eh titigil nako sa pag aalala sa kanya, nandito parin naman ako pag kailangan niya ako. Pero kung nandon narin naman si Neil, para saan pako diba?

Siguro iniisip niyo na napaka tanga ko bakit hindi ko siya ipaglaban diba?
Ang masasabi ko lang ay, kung katangahan na wag nang lumaban sa isang laban na simula palang alam mong talo na, sige ako na ang tanga. Minsan kasi ang mali natin eh laban tayo ng laban masabi mo lang na lumaban ka, ang tanong tama ba naman ang pinaglalaban mo? Sabihin na nating tama na ipaglaban ang taong mahal mo, ang tanong tama ba ang nilalabanan mo, baka naman nasa maling labanan ka? Ako alam kong hindi yon ang laban ko. At isa pa kung katangahan na isipin iligtas ang taong mahal mo sa mga posibleng sakit namaaari niyang danasan, sige ako na ang tanga. Isipin niyo kung aamin ako at aamin din si Neil, sinong mahihirapan? Si CJ diba? Alam kong meron at merong masasaktan, kung kaya niyang iligtas ang dalawa gagawin ng panget nayon, kahit siya pa ang masaktan. Ayokong dumating sa point nayon kaya, ako nalang, ako nalang yung masasaktan para sa kanya.

WTF ganito ba talaga pag na-iin-love? Kumocorny? Nakakainis parang hindi na ako ito, ano anong kadramahan ang sinasabi ko may ibang makaalam nito iisipin pang bakla ako.

Hindi ko alam san ko nakuha yung may gusto akong iba, bigla nalang lumabas sa bibig ko at pinanindingan ko nalang, alam kong hindi ko kakayanang makita na umamin si Neil kay CJ kaya sinabi ko nalang na hindi nako makakasama dahil "I'm gonna ask her out" hell sino naman ang tatanongin ko?🙄 hindi naman ako masokista na titiisin ko yung sakit psssshh. Oo na guguilty ako, pero kahit ngayon lang pwede bang timeout muna sa sakit. May Isa pakong exam na dapat intindihin.

CJ's POV

"Ikaw nanaman?!" Galit na sabi ko ng makita kung sino siya

"O chill Austria valentines day na valentines day ang sungit sungit mo" sabi niya habang naka ngiti sa harapan ko

"Ano bang kailangan mo ha?" Naiinis na tanong ko ang kulet kasi niya, akala ko nung nakausap siya ng mga kuya ko sa Subic eh tumigil na siya

"Gaya parin ng dati, gusto kong makipagkaibigan" sabi niya this time wala na yung ngiti niya

"Give me a good reason bakit dapat akong pumayag" sabi ko wala ako sa mood ngayong araw nato dahil sa mga nangyayare pero siguro naman pwede kong pagbigyan ang isang ito, I mean mukhang okay naman siya sa mga kuya ko ?

"Kasi mabait naman ako if yon ang iniisip mo, pwede akong kumuha ng police at nbi clearance pati barangay clearance kung yon ang ikatatahimik ng utak mo" sabi niya sakin

"Hahahahaha" natawa nalang ako sa sinabi niya, nag aapply ba siya ng trabaho bakit yon ang sinabi niyang reason 😂

"Anong nakakatawa seryoso ako" sabi niya sakin at obvious naman na seryoso nga siya kasi yung mukha niya

"Yeah, whatever sige na payag nakong maging mag kaibigan tayo, I'm Carlyn Jamess Austria and you are?" Sabi ko habang inextend ko ang right hand ko

Sobra atang pagkabigla niya eh tinitigan nalang niya yung naka extend kong kamay

"Ano ayaw mo ba?" Sabi ko sa kanya

Diary ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon