Chapter 1-Pamilya Lao

1.1K 36 18
                                    

"Nawala si Binibining Yuri.."

"Lagot tayo kay Pinunong Zamara.."

Napapangising pinagmamasdan ko ang aming mga kawal habang nasa itaas ako ng puno.

Noong umalis ang mga ito ay saka lamang ako tumalon paibaba.

"Nandyan ka lang pala Binibining Yuri.."nagmamalaki na wika ng kawal marahil dahil natagpuan niya ako.

Nag-angat ako ng tingin sa kawal na bigla na lang sumulpot sa may damuhan.

"A-ng mata mo..."

Ang ngisi nito ay napalis. Nakita niya ang matang pinakatatago-tago ko na hindi ko namalayang nahawi na ang buhok kong nakatakip. Mayroon akong pares ng mata na magkaiba ang kulay..lilac sa kaliwa at puti sa kanan na siyang lagi kong tinatakpan ng aking buhok.

Bihira lang sa mundo ng apat na mandirigma ang may mata na katulad ng sa akin,mata na magkaiba, mata na kinatatakutan.

Nakaramdam ako ng lungkot at inis. Pakiramdam ko ang pangit ko,pakiramdam ko halimaw ako.

"Anong problema sa mata ko?"asik ko.

"W-ala po..sasabihin ko po na hindi ko kayo nakita umuwi na lang po kayo kapag gusto nyo..."

Dali-daling tumalikod at gayak kakaripas ng takbo ang kawal..

"Kawal.."

Alumpihit na humarap ito sa akin,bahagyang nanginginig pa ang katawan.

"P-o?"

"Ikaw pa lang ang nakakita ng mata ko na nabuhay...wala kang nakita o mawawalan ka ng buhay?"malamig kong wika na napaatras ang kawal.

"W-ala po akong nakita! P-atawad! P-atawad!"at kumaripas na ng takbo ang kawal na halos nadapa-dapa pa.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Bakit naman kasi binigyan pa ako ng mga gwardya ni ina na laging nakabantay sa akin. Sinanay naman nila akong makipaglaban simula pagkabata ko pa lang kaya hindi ko kailangan ng kawal. Isa akong Lao. Mula ako sa pamilya ng mga tagalaslang. Malupit. Mabangis. Malakas. Pipitsugin din naman ang mga kawal kayang kaya kong paslangin sa pamamagitan ng daliri ko lamang.

Tss,kung hindi ba naman kasi ako nalansi minsan. Nitong mga nakaraang araw ay may naglakas ng loob na kalabanin kami. Ang mga tanyag na bandido sa Subeta na pinamumunuan ni Rio na nabalitang namatay kaya si Aki na matalik nitong kaibigan ang pumalit. Hindi ko nalaman na si Aki na pala ang kaharap ko sa bahay aliwan kaya nagawa niya akong mapatulog sa pamamagitan ng inilagay niyang gamot sa aking inumin. Nakipagkaibigan siya kuno iyon pala ay ako'y lalansihin. Buti na lang at bago niya ako matangay ay nakadating si kuya Ryuu. Katakot takot na sermon ang inabot ko dahil nga kabilin-bilinan din sa akin na huwag akong pumunta sa bahay aliwan ng hindi siya kasama. Karamihan naman sa Yuhan ay kilala ako dahil alam nilang isa akong Lao iyong mga hindi nakakakilala sa akin ay mga taga malayong bayan kaya alam ko na wala namang magtatangka na gumalaw sa akin higit sa lahat ay kaya ko namang ipagtanggol ang aking sarili.

Nagpasya akong umalis na sa lugar na pinagkublihan ko sa mga kawal. Isa lang ang lugar na pupuntahan ko..si Miki. Ang halimaw naming alaga,isang napakalaking asong lobo na higit pa ang taas sa akin na mayroong pulang mga mata. Siya ang nagbabantay sa lupain ng mga Lao.

Kaya pala noong bata pa ako ay ayaw nila ina na napunta ako sa gubat ay dahil nandito si Miki. Nalaman ko na isa siyang mapanganib na hayop pero noong una kaming nagtagpo ay hindi naman katulad ng inaasahan ko ang nangyari. Nakatayo ako sa gitna ng gubat ng bigla na lang sumulpot si Miki. Noong nagtama ang mata namin ay hindi ko naiwasang mangatog at noong tumalon siya sa direksyon ko ay halos mapatigil ang paghinga ko. Pero sa halip na kagatin ako ay lumagpas siya sa likudan ko..pagtingin ko ay kagat-kagat na niya ang isang napakalaking sawa. Simula noon lagi na ako sa gubat..kasama si Miki.

Muryou:LAO,The Assassin Clan[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon