Chapter 13-Jailed

539 25 1
                                    

"Bakit ka nandito sa teritoryo namin?"nakakunot ang noo ni Ren na wika kay Aki noong makasalubong namin ito sa pasilyo.

Pati naman ako ay nagtaka. Bakit nga kaya siya nandito?

"Wala namang masama kung minsan ay magkaroon tayo ng bisita dito sa palasyo hindi ba Yuri.."

Dumating si ina. Siya ba talaga iyong nagsalita? Siya nga itong ayaw na ayaw ng nagpapapasok ng iba sa aming teritoryo..

Umalis si ina pero sinenyasan niya si Aki na sumunod sa kanya.

"Para sa isang magandang Binibini sa isang magandang umaga..."may iniabot sa akin si Aki na isang mapulang mapulang rosas na hindi ko alam kung saan niya kinuha.

Nanlaki ang mata ko noong gayak ay hahalikan niya ako. Kaunti na lang ay lalapat na ang labi niya sa labi ko nang may maliit na kamay ang humarang sa nguso niya.

"Tama ng bulaklak na lang baka maging kasing kulay ng rosas yang labi mo pag pinaputok ko."ingos ni Ren.

Napasimangot si Aki ako naman ay hindi napigilang mapatawa. Nagpaalam na si Aki pero nakuha pa niyang kumindat sa akin nakakatuwa din talaga siya. Nag-usap sila ni ina saglit at naghiwalay din. Natanaw ko pa si Jin na nagmano kay ina bago pumasok sa kabahayan. At kailan pa siya naging magalang?

"Banlian mo iyang rosas na iyan at ng mawala ang mikrobyo."masungit na wika ni Ren.

"Aye! Aye kapitan!"napabungisngis naman ako,si Ren kasi daig pa si ama nagmana kay ina.

Umalis na din si Ren na habol ang tingin kay Aki. Noong mapag-isa ako ay noon ko lang ulit naramdaman ang kahungkagan.

Pumasok sa isip ko si Ryuu at pagpapakasal niya kay Mijame. Akala ko ba'y ang sabi niya ay mahal niya ako? O akala niya lamang iyon dahil lumaki kaming magkasama na ang totoo ay mahal niya ako bilang kapatid. Pero paano naman iyong nangyari sa amin? Hindi iyon gawain ng magkapatid.

Kailangang bigyan niya ako ng malinaw na paliwanag sa lahat dahil talagang sasamain siya sa akin.

Paano kung negatibo ang kalabasan ng pag-uusap namin dapat ko pa kayang sabihin sa kanya na mahal ko siya?

Napabuntong-hininga tuloy ako..

*******

"Hindi ka makakalabas dito kung hindi mo tatanggalin sa sistema mo ang pagmamahal mo kay Yuri..kapatid mo siya..."

"Hindi ko kapatid si Yuri ina! Hindi ko siya kadugo!"

Wala na akong nadinig pa kay ina na iniwan niya ako sa loob ng kulungan.

"Ako na ang bahala kay Yuri Ryuu kaya kalimutan mo na ang nararamdaman mo sa kanya."

"Sino ka para utusan ako? Nasabing berdugo pero nagpaalipin ka sa aking ina isa ka talagang mahinang nilalang."

"Nagpaalipin kaagad sa iyong ina? Hindi ba maaaring inalipin ako ng kagandahan ni Yuri?"

Ngumisi pa si Aki sa akin kaya lalong kumukulo ang dugo ko sa kanya. Akala niya ikinagwapo niya ang pag-ngisi niya,peste siya.

"Wag na nga natin pahabain pa ang usapan..ayaw mong kalimutan ang nararamdaman mo kay Yuri? Maraming paraan dyan. Isa akong berdugo na tuso at marami na akong karanasan dyan..Baka nga bukas pagmulat ng mata mo naghahabol na sa akin ang Yuri ko at ikaw mawawala na sa eksena."

"Tarantado kang putang ina mo! Layuan mo si Yuri! Kapag ako nakawala dito tapos ka sa akin! Arghh!~~T-ang i-na..."

Nagpakawala ako ng apoy na hindi naman nakalagpas sa harang. Nagwala ako sinugod ko siya sa kabila nga harang na selda. Nanghihina akong bumagsak sa sahig sa kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Kung tutuusin ay wala namang kandado ang selda pero hindi maaari itong hawakan o buksan ng kahit sino maliban kay ina dahil kung hindi lang din si ina ay siguradong matutusta.

Muryou:LAO,The Assassin Clan[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon