Chapter 4-Simula ng katotohanan..

768 25 0
                                    

yuki_tin13 POV

"Bakit mo ako sinusundan ha tanda?"wika ng kalahating salamangkero at kalahating samurai na si Liu kay tandang Hinaya na mayordoma sa mansyon ng mga Lao. Malamig ang paraan ng pagtingin nito sa matanda katulad niyong sa mga tagapaslang na napalunok ito.

"A-ng mata mo..."tila naiiyak na natatakot na hindi mawari ang matanda.

"Isinumpa."tanging namutawi sa bibig ng mandirigmang si Liu.

"Walang isinumpa dito sa mundo nagkataon lang na iyan ang biyaya sa iyong mata...maganda ang pares ng mata mo parang sa nyebe.."

Nagdikit ang kilay ni Liu.

"Tumigil ka na tanda. Bakit mo ako sinusundan?"

Kasalukuyan silang nasa kagubatan kung saan namamahay ang malaking alagang tagabantay ng mga tagapaslang na si Miki.

"H-indi ikaw ang sinusundan ko..nakita ko kasi iyong alaga kong si Yuri.."

Mataman muna siyang tinitigan ni Liu.

"Ako na ang pupunta sa kanya..makakabalik ka na sa mansyon.."

Iyon naman ang siyang ginawa nga ng matanda.

Sinusundan naman talaga ni Liu si Yuri..hindi dahil sa kailangan niya itong bantayan dahil nasa loob naman sila ng hacienda ng mga Lao kundi dahil may nagtutulak sa kanya na sundan ito..

Hindi alam ni Liu na siya talaga ang sinundan ng matandang Hinaya..na may nagtulak din dito na sundan siya..

Ang kanyang mga mata na naaalala nito sa isang batang sanggol...

*****

Kanina ko pa nararamdaman na may nasunod sa akin. Mahusay. Hindi ko makilala kung sino ang pangahas..napakagaan ng bawat hakbang niya na tila nakalutang na sa alapaap at hindi na nalapat sa lupa.

Tumigil ako sa paglakad sa gitna ng kakahuyan. Tumayo ako ng tuwid at pumikit. Hinugot ko ang dalawang punyal sa tagiliran ko. Sa ilang kumpas ng kamay ko ay ilang beses ko iyong ibinato sa paligid at sinalo para patamaan ang nilalang na sumusunod sa akin. Nang hindi na bumalik ang isang punyal ibig sabihin ay tinamaan ko na ang nasunod sa akin. Napangisi ako. Nagmulat ako ng mata para lang mapawi ang ngisi ko. Nagdikit ang kilay ko.

"Ikaw ang pangahas.."nakatitig ako ngayon sa isang pares ng puting mata. Nakakamangha dahil nasalo niya ang punyal ko. Nakaipit ito sa pagitan ng hintuturo at gitna niyang daliri. Malakas pa naman ang pwersa ng pagkakahagis ko noon na tiniyak ko na babaon sa matatamaan nito pero siya madali lang niyang nasalo?

"Liu ang pangalan ko.."

"Wala akong pakialam sa pangalan mo. Bakit mo ako sinusundan?"

Hindi siya umimik at seryoso lamang na nakatitig sa akin. Hindi ko maintindihan ang emosyon na nakikita ko sa kanyang mata. Ngayon lang ako nakakita ng puting mata. Iisa lang alam ko kapag puti at pula ang mata..natutukso tuloy ako na alamin ang nakaraan niya pinipigilan ko lamang ang sarili ko.

At kailan pa ako nagkainteres sa ibang tao?

Gusto ko tuloy mapailing sa mga naiisip ko.

Hindi pa din siya umimik.

"Ang sabi ko bakit mo ako sinusundan?"

"Kamukha mo kasi ang nanay ko.."

Sukat sa sinabi niya ay hindi ko napigilan na mapahagalpak ng tawa. Minsan kasi ay nangyari na sa akin na may sumunod sa akin na lalaki nang sindakin ko ito ay sinabi sa akin na nagagandahan lang daw sa akin pero itong isang ito? Hahaha..parang tanga ang sagot niya sa akin. Ngayon lang ako tumawa ng ganito na hindi pamilya ko ang kasama.

Muryou:LAO,The Assassin Clan[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon