Chapter 3-Mahal na mahal..

779 35 5
                                    

"Ryuu.."

"Nandito lang ako Yuri..."

Nagkalayo daw kami ni Ryuu pero bakit parang ang lapit niya?

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata para magulat. Napabangon tuloy ako bigla.

"A-rayyshh!"

"Tang ina ang tigas nga pala talaga ng ulo mo!"

Sabay pa kaming napabulalas ni Ryuu noong magkauntugan kami.

"Bakit ba bigla-bigla ka na lang kasi bumangon!"

"E-h bakit ba kasi ang l-apit-lapit mo~~?!"

Pakiramdam ko namumula ako kasi naman pagmulat ng mata ko  halos gahibla na lang ang lapit ng mukha ni Ryuu sa akin.

Balak niya kaya akong halikan??

Ih! Hindi ako dapat mag-isip ng ganito dahil magkapatid kami pero hindi ko mapigilan! At kahit na sabihan ko ang sarili ko na wag mamula ay hindi ko magawa! Pag dating kay Ryuu nahihiya pa din akong talaga.

"Hihipan ko lang ang tenga mo para gisingin ka.."

Malisyosa!

Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami lagi niyang hinihipan ang tenga ko.

"Batukan mo nga ako.."nasabi ko na lang kasi naman gusto kong tuktukan ang sarili ko sa mga iniisip ko.

"Ano?"nagdikit tuloy ang kilay niya.

"Ha? Ang ibig ko sabihin bakit ka ba nandito?"

"Baka kasi may gusto kang gawin ngayong araw o gustong puntahan sasamahan kita wala naman kasi akong gagawin.."

Nanghaba ang nguso ko.

"Bakit kailangan ko pa ng kasama.."

"Anong gusto mo ako ang kasama mo o ang mga tauhan natin?"pagsusungit niya.

Hay,wala talaga akong pagpipilian.

"Syempre ikaw.."nag-isip naman ako ng lugar na gusto kong puntahan."Doon ko gustong pumunta sa malaking estatwa ng tanyag at makasaysayang samurai na si Kenshin Himura sa may bayan ng Shimura.."

Nagdikit ang kilay ni Ryuu.

"Pero malapit sa teritoryo ng palasyo ng Emperyo ng Subeta ang estatwa na iyon ni Batosai.."

"Hindi ba at ayos na ang angkan natin at sina Roujin?"

"Ayos na pero hindi tayo maaaring tumuntong sa teritoryo nila iyon ang usapan katulad ng hindi sila maaaring tumuntong dito sa Yuhan."

"Pero kasi doon ko gusto pumunta..Eh de kapag may pumalag sa atin pitikin natin ng isa.."nakangisi kong wika kay Ryuu.

"Ang babangga giba."noon ngumisi si Ryuu.

Naalala ko na naman ang panaginip ko..Bakit kaya lagi ko na lang napapanaginipan na magkakalayo kami ni Ryuu?

Bumangon na ako at nagbihis habang hinihintay ako ni Ryuu sa labas. Isinuot ko iyong simple kong bestida na kulay puti na hanggang tuhod na walang manggas kundi mayroon lamang manipis na terante. Ipinusod ko iyong buhok ko paitaas pero nananatiling nakalugay ang ilang hibla sa kanan kong mata. Kitang kita ngayon ang dalawang tatsulok na magkapatong na nakatatak sa batok ko..tatak ng isang tagapaslang..tatak ng isang Lao katulad niyong tatak na mayroon si Ryuu sa dibdib.

Noong maayos na ang hitsura ko ay lumabas na ako. Nadatnan ko si Ryuu na nakasandal sa pader habang nakahalukipkip.

"Ryuu tayo na.."

Muryou:LAO,The Assassin Clan[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon