Chapter 9-Misyon sa Libre...

528 20 0
                                    

Nangunot ang noo ko noong makita ko si Yona na nakaupo mag-isa at tulala.

Ngayon ko lang naalala ulit iyong eksena noong subastahan..pugto iyong mata niya pagkatapos ay hindi sila magkasama ng kakambal ko. Hanggang ngayon ay hindi ko sila nakikitang magkasama at nagpapansinan.

Ano kaya ang nangyari sa kanilang dalawa?

Lumapit ako kay Yona. Naupo ako sa tabi niya.

"Yuri..."

"Wala na ba kayo ni Liu?"diretso kong tanong.

Pagak na napatawa si Yona.

"Wala namang kami ano ka ba..."

"Pero hindi ba at gusto mo ang kakambal ko?"

"Oo..gustong-gusto ko siya...mali pala..mahal ko siya pero sa kasamaang palad.....ako lang ang nagmamahal.."napahikbi si Yona.

Niyakap ko siya para patahanin.

Hindi siya mahal ni Liu? Pero bakit hindi iyon ang nakikita ko sa mata ng kakambal ko?

"Ayos ka na ba?"inalis ko na ang pagkakayakap ko sa kanya noong tumahan na siya.

Tumango siya sa akin. Napansin ko na lumagpas ang tingin ni Yona sa balikat ko kasabay noon ay nawalan ng emosyon ang mukha niya.

Paglingon ko ay nakita ko si Liu at hindi siya nag-iisa..may kasama siyang lalaki na ang buhok ay tila mamamatay ang butiki kapag pumatak. Tirik na tirik at hagod na hagod ng pomada ang buhok nito. Ayoko kaya ng amoy ng pomada..ang baho. May maliit na pusang malalago ang balahibo ang nasa balikat nito.

Tumayo kami ni Yona noong makalapit sila sa amin.

"Kamusta Yona?"bati noong lalaki kay Yona.

Kung ganoon magkakilala din sila?

"Ayos lang ako Zak.."sagot ni Yona pero ang totoo ay alam kong hindi.

Nakikita ko ang pagsulyap ni Liu kay Yona pero hindi naman siya pinapansin ni Yona. Ano ba naman sila? Para tuloy gusto kong tapikin ang noo ko sa drama nila..

Nang mapansin ko na nakatingin sa akin iyong Zak..titig na titig. Naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin lalo na sa aking mata kaya bahagya kong itinakip iyong ilang hibla ng buhok ko sa puti kong mata.

"Napakaganda naman ng kakambal mo Liu.."hinagod ako ng tingin ni Zak mula ulo pababa na lalo kong ikinakailang.

Kung ganoon ay alam na niya. Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko sa papuri niya. Si Liu naman ay masama ang tingin kay Zak tipikal sa kapatid na lalaki na tila wala namang pakialam iyong Zak.

"Siya si Zak kawal sa palasyo ng Libre..nandito siya upang sunduin ka..."wika ni Liu.

Handa na ba akong pumunta sa bayan ng aking ina? Sa Libre?

Teka..

"Sunduin ako? Ako lamang? Paano ka?"

"Kailangan ko pang bumalik sa Subeta para sa gaganaping kasayahan sa angkan natin at hindi ka maaaring mawala doon..saglit ka lamang naman sa Libre at ihahatid kang muli ni Zak sa palasyo ng Subeta."Liu.

"Ayoko..hindi ka pupunta sa Libre.."

Bago pa ako makasagot ay may nauna na sa akin. Napalingon kami sa nagsalita noon.

Si Ryuu naglalakad siya palapit sa amin. Mukhang bagong gising lamang siya. Ang gulo ng malago niyang pulang buhok na tila pugad..pero bakit ang gwapo niya pa din?

At err...

Iyong damit niya bukas ang ilang butones kaya nahantad ang matipuno niyang dibdib na nakakapag-init sa paningin..

Muryou:LAO,The Assassin Clan[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon