Chapter 2-Hindi ito normal..

930 32 0
                                    

Umalis si kuya Ryuu at ang pinsan namin na si Yasu ngayong umaga para pumunta sa bayan ng Shogun. Mamayang hapon ay aalis na sina ina papuntang Emperyo ng Shinobi.

Nakakatuwa na walang laging nakabantay sa akin para akong ibon na nakawala sa hawla. Wala pa akong kawal may tatlong araw na ang nakakalipas. Wala pa si Ryuu na lagi din akong binabantayan. Tapos si ina at ama ay abala din sa mga iginagayak nila papuntang emperyo ng mga ninja. Kaya naman ako ay sinamantala ang pagkakataon at ginawa lahat ng gusto kong gawin.

Inabot na ako ng hapon sa pag-uwi.

"Yuri bunso.."

"Oh nay Hinaya..."

Napangiti ako noong makita ko si nay Hinaya. Siya ay mayordoma namin siya ang nag-aalaga sa akin simula pagkabata kaya nasanay na akong tawagin siyang nay.

"Nasaan ho si tay Kage?"asawa naman iyon ni nay. Hindi ko kasi siya nakita sa bahay sa labas ng bakod.

"Nangangahoy iyon.."

Nay at tay ang tawag ko sa kanila wala din naman silang anak.

"Nga pala hinahanap ka ng pinunong Zamara.."

"Naku nalimutan ko aalis nga pala sila..sinabi nyo po ba na umalis ako?"nakaalis na malamang sina ina.

Ngumiti si nay.

"Syempre hindi..sinabi ko lang na pumunta ka kay Miki.."

Napangiti na ako ng malawak.

"Kaya mahal na mahal kita nay eh!"niyakap ko si nay Hinaya na humagikhik naman.

"Naku ito talagang batang ito..siya pumunta ka kay Ryuu ibinilin noon na pumunta ka sa kanya pagdating mo.."

"Sige po maiwan ko na kayo.."

Pumasok ako sa opisina ni ina nandoon daw kasi si Ryuu sabi ni nay Hinaya.

"Umalis ka."pagpasok ko pa lang ay wika ni Ryuu sa akin. Hindi naman siya galit pero naiinis ako hindi na kasi ako bata para lagi na lang alamin ang ginagawa.

"Oo umalis ako at oo alam ko na lahat sa akin ay alam mo Ryuu."

Napangiti siya. Hindi ngisi kundi ngiti talaga.

"Ano ang nginingiti mo ha Ryuu?"tinaasan ko siya ng kilay.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin kaya ngayon ay magkaharap na kami. Napansin ko iyong kamay niya..iaangat niyang hindi pero noong huli ay parehas niyang ibinulsa sa kanyang pantalon. Hindi pa din nawawala ang ngiti niya.

"Sana ay lagi ka na lang galit sa akin.."

"Ha? May nangyari ba sa inyo ni Yasu sa Shogun kaya ka nagkakaganyan? May nakalaban ba kayo doon kaya naalog ang utak mo?"kahit paano ay nag-alala din ako dahil kilala din ang Shogun na lugar ng patapon.

"Wala..alam mong kayang kaya naming durugin ang Shogun..alam mo ba kung bakit ako nangiti?"

"Hindi..magtatanong ba ako sa'yo kung alam ko?"

"Hindi ba at ikaw ang tanyag na manghuhula ng Yuhan.."

"RYUU nga!"sinamaan ko na siya ng tingin.

Ayoko kasi na tinatawag ako na manghuhula. Sa gulat ko ay tumawa na siya. Kung nakamamatay nga lamang ang tingin ay kanina pa siya natumba. Pagkaano ay tumigil din naman siya sa pagtawa.

"Mas gusto kong nagagalit ka dahil hindi mo ako tinatawag na kuya.."

"Ha? At natutuwa ka pa noon?"

"Oo,ayokong tinatawag mo akong kuya.."

Nagdikit tuloy ang kilay ko.

"Wirdo mo..bakit ayaw mo?"

Muryou:LAO,The Assassin Clan[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon