Chapter 7-Pagsalakay ng mga berdugo sa subastahan..

587 29 1
                                    

Medyo magaan na ang pakiramdam ko noong magising ako ngayong umaga. Kahit paano ay nabawasan ang alalahanin ko noong nakapag-usap kami ni Ryuu. Nakasalubong ko pa si Yona sa pasilyo. Parehas naming hinahanap si Liu..gusto ko kasi siyang makausap dahil hindi ko pa siya nakakausap ng masinsinan.

Pinaubaya ko na kay Yona ang paghahanap sa kanya. Mukhang gustong-gusto niya si Liu..gusto ko din naman siya para kay Liu. Sa tingin ko ay magiging masaya sa kanya ang kakambal ko.

Mamaya ng gabi ang subastahan. Pakiramdam ko ba ay kinakabahan ako..hindi ko alam kung dahil ba sa magaganap na subastahan o dahil sa darating na sina ina mamaya kasama ang ilang matataas na tao na kasali sa subastahan.

Sumapit na ang hapon.

"Anak..heto na iyong isusuot mo.."

Ngumiti ako kay nay Hinaya na pumasok sa kwarto ko dala iyong damit na isusuot ko. Naiilang na ngumiti siya sa akin. Kinuha ko sa kanya iyong damit.

"Yuri anak.."

"Ho?"

Nadinig ko siyang humikbi.

"P-tawarin mo ako anak at naglihim ako sa iyo..."

"Wag na ho kayo mag-alala nay..okay na ho..alam ko naman na hindi nyo din ginusto ang lahat..kayo pa din ang pangalawa kong nanay.."

Inalo ko siya at niyakap. Tumahan na siya at nakangiti na noong harapin ako.

Noong umalis si nay ay gumayak na ako para sa gaganapin na okasyon. Naka-pormal kami ngayon at hindi nakasuot ng pandigma. Nakasuot ako ng saya na itim na hanggang tuhod. Iyong laso na pula na lamamg ang kulang. Pinipilit kong ipardible iyong malaking laso na pula sa likudan ng baywang ko kaya lang ay hindi ko naman maabot.

"Tss,ako ang nahihirapan sa ginagawa mo..akin na nga iyan at ako ang maglalagay."

Nagulat ako sa nagsalita na nabitawan ko iyong laso.

"K-anina ka pa dyan?"

Si Ryuu nakahalukipkip at nakasandal sa pader. May benda pa din iyong braso niya kaya nakagat ko tuloy iyong labi ko.

Sa halip na sagutin ako ay ngumisi lang siya ng nakakaloko sa akin. Hindi kaya kanina pa siya simula noong magsimula akong magbihis?! Hindi kaya nakita niya akong nakahubad?!

Ano ba utak! Pwede ba wag kang berde!

Umalis siya sa pagkakasandal at lumakad palapit sa akin. Pinulot niya iyong laso. Nakaharap ako sa salamin kaya parang nakaharap na din ako sa kanya ngayong nasa likudan ko siya.

Hinawakan ako ni Ryuu sa baywang na parang gusto kong mapapitlag. Dati na naman niya akong nahahawakan sa baywang pero simula noong malaman ko na hindi kami magkapatid ay parang lagi na ay gusto kong mapaso. Ramdam ko kasi ang mainit niyang palad sa manipis kong satin na saya. Hinigpitan niya ang baywang ko at ikinabit ang laso.

"Ryuu.."

"Hmm.."

Nakayuko pa din siya at abala sa pagkakabit ng laso.

"A-no kasi~~"

"Sabihin mo na ang sasabihin mo."hindi pa din siya tumitingin sa akin.

Sasabihin ko na nga..kahapon ko pa sana ito gustong sabihin noong nag-uusap kami kaya lang ay nakalimutan ko.

"Hindi kaya mahal mo lang ako bilang kapatid..bilang kuya ko?"

Noon siya nag-angat ng tingin. Natapos na din niya ikabit ang laso. Magkasalubong ang kilay niya na napalunok ako.

Sa halip na sumagot ay ipinihit niya ako paharap sa kanya at hinapit ako sa baywang. Nanlaki ang mata ko noong sakupin ng labi niya ang labi ko.

"Hinahalikan ba ng kapatid na lalaki ang kapatid niyang babae sa labi?"wika niya pagkatapos niya akong halikan.

Muryou:LAO,The Assassin Clan[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon