Epilogue

922 26 1
                                    

Nandito kami ngayon ni Yuri sa Libre.

Itinanan ko na siya. Noong una ay doon kami tumigil sa lumang kubo ng magulang niya sa Subeta sa bayan ng Shogun. Dapat ay sa Libre kami pupunta kay Liu kaya lang ay kasalukuyang silang nasa Jumon noon at nakikipaglaban sa mangkukulam na si Tata na ikinasawi nito kasama ng anak nito na si Ketsuya na kapatid ni Miyata at ng halos lahat ng mga mandirigma ng Jumon maliban sa mongheng mangkukulam na si Nobu at Dilan.

Kaya lang noong malaman ni Liu na nalaman ni ina na alam na ni Yuri na hindi siya isang Lao at itinanan ko siya ay inutusan niya ito na umuwi sa Libre lalo at tapos na ang laban nila sa Jumon.

Pag-uwi namin doon ay sapak agad ang isinalubong sa akin ni Liu noong tinanong ko naman kung bakit eh wala lang daw,ang gago lang ng sagot sa akin.

Natanaw ko na papalapit sa akin si Yuri tumibok kaagad ang titi ko..este ang puso ko. Ano ba iyan ang utak ko nahahawa na sa utak ni Jin.

"Tinatakpan mo na naman iyang mata mo.."hinawi ko iyong buhok niya na nakatabing n naman sa puti niyang mata.

"Natatakot ang mga tagasilbi.."

Nangunot tuloy ang noo ko.

"Nasaan ang mga tagasilbing iyon at baka gusto nilang tumira na ng tuluyan ang takot sa dibdib nila.."

"Kalma nga."

"Hindi ba iyan iyong mga tagapaslang na bisita pa natin?"

"Madinig ka sige ka tumimbuwang ka na lang dyan bigla.."

"Ang iingay nyo magsitabi na lang tayo at dadaan sila.."

Nadinig namin na wika ng mga tauhan sa palasyo kaya napalingon kami.

"Jin! Ren!"kumaway si Yuri sa kanila.

Dumating na pala sila bisita sila dito dahil ikakasal iyong si Miyata at Yumi.

"Kamusta sa atin?"tanong ko sa kanila.

"Si ina kamusta?"tanong naman ni Yuri.

"Tss,sabihin mo na Jin wag na nating ilihim sa kanila."

Nagsalubong na naman ang kilay ko.

"Wala si ina sa mansyon pinalayas ni ama."

"Ano?! Bakit?!"bulalas ko. Kahit paano ay ina ko pa din siya kaya nag-aalala ko.

"D-ahil ba sa amin kaya nagkasira sila ni ama?"nag-aalangan na wika ni Yuri.

"Wag kayong mag-alala hindi dahil sa inyo. Mahabang istorya."wika ni Jin.

"Si Kara kasi nawawala din..ang sabi ni ama hindi niya pababalikin si ina sa mansyon kapag hindi kasama si Kara."

Nagkatinginan lang kami ni Yuri.

"Bakit daw?"sabay pa naming sabi.

Nagkibit ng balikat si Jin at Ren.

"Tang ina sino iyon!?"bulalas ni Ren.

Tumambling si Ren at si Jin naman ay nag-akrobat ng katawan para makailag sa tatama sana sa kanila.

Isang matalim na hangin kasi ang tatama sa kanila.

"Bulaga!"

"Punyeta!"

Bigla na lang sumulpot si Ken sa harap ni Ren na may maliit na patalim na hawak. Nagawa naman iyong sanggahin ni Ren gamit ang dalawang daliri at baliin. Nagulat si Ken sa ginawa ni Ren pero kaagad ding ngumisi.

Mga gago ganoon din ang ginawa nila sa amin noong dumating kami.

Lumilipad na sumulpot ang may kapangyarihan ng hangin na si Shin
Hinihintay ko pa ang huling atake.

Nakadinig ako ng hangin.

Palapit na..

Dalawang malaking troso na matulis ang dulo ang parating sa direksyon nina Ren at Jin. Prente lang na nakatayo ang dalawa at sabay na iniangat ang daliri sa pormang baril o ray gun ni Eugene ng Ghostfighter. Isang manipis na enerhiya lamang ang tumama sa gitna ng mga troso at ito ay nalusaw. Hinipan ni Ren ang daliri niya pagkatapos.

"Wala na bang mas malupit doon?"nakangisi na wika ni Ren.

Mula sa bubong ng palasyo ay tumalon si Shugen. Lumapit siya kay Ren at ginulo ang buhok nito.

"Mahusay ka bata."

"Tang ina guluhin mo na lahat wag lang ang buhok ko kung ayaw mong guluhin ko ang buhay mo!"

"Para pala itong Zak ayaw ng hinahawakan ang buhok."wika ni Ken.

"Halika bata gusto mo bang mabinyagan? Ipapakilala ka namin sa magagandang tsiks dito sa palasyo."

"Hoy! Hoy! Anong tsiks yan ha?! Tantanan niyo iyang bata!"

"Babaeng ubanin.."wika ni Ren kay Yona na dumating."Lalaking ubanin.."

"At bakit nandito ang manyakis na tagapaslang na iyan?"sita ni Liu.

"Ang sungit mo hindi ka naman kagwapuhan."sagot ni Jin.

"Tama na nga iyan...bisita ko siya Liu."wika ni Yuri.

"Pumunta na tayo sa simbahan nauna na doon si Rima at Mito."sabi naman ni Yona.

"Speaking..kawawa naman iyong si Mito kay Rima bugbog sarado lalo at buntis pa iyong isa."Shugen.

"Under de saya."Ken.

"So pathetic..tss."

Pareparehas pa silang napailing. May ilang salita akong hindi naintindihan lengguwahe daw iyon sa mundo ng mga mortal anila.

Sabay-sabay na silang umalis at naiwan kami ni Yuri. Susunod na lang kami sa kanila.

"May problema ba?"napansin ko kasi na ang lalim ng buntonghininga niya.

"Nag-aalala ako kay ina at ama..hindi pa din ako kumbinsido na hindi dahil sa atin kaya sila naghiwalay..sa tingin mo ba wala talagang alam sina Jin?"

"Kilala ko si Jin alam ko kapag nagsisinungaling siya o hindi."

"Paano kung dumating si ina at hadlangan ang relasyon natin?"

"Hindi ko iyon hahayaan iyon ang ipinapangako ko sa iyo..kahit pa ang buong mundo ang humadlang wala akong pakialam."

"Kaya lalo kitang minamahal ang tamis mo magmahal eh.."humagikhik pa si Yuri kaya napangiti ako tapos tumalim na lang bigla ang mata niya."Sigurado ka bang wala akong kahati sa iyo?"

Napahalakhak ako.

"Talagang ngayon mo pa pinagdudahan iyan? Isang daang porsyentong mahigit na wala."

"Mabuti. Kasi pag nagkataon ibabaon ko iyong abo noon anim na talampakan mula sa lupa..hmp."

"Selosa si Misis Ryuu Lao ko..."

Halatang kinilig siya sa sinabi ko namula pa nga iyong mukha niya.

"Ikaw lang ang babae sa puso,isip at buong pagkatao ko..ikaw lang din ang nagmamay-ari ng katawan ko..mahal na mahal kita Yuri..."madamdamin kong sabi.

"Mahal na mahal din kita Ryuu.."

Nanghaba ang nguso ko.

"Bakit ka nakaganyan?"

Ang bagal niya makaintindi.

"Iyong halik ko."

Napahalakhak si Yuri.

"Ang bading mo! Heto na oh..."

Natatawa pa siyang tumingkayad at hinalikan ako.

Masaya ako at dumating si Yuri sa buhay ko..

Tama akong nagtyaga at hindi nainip sa paghihintay na dumating ang araw na ito...

..ang mahalin ako ni Yuri Rashida Lao...

*****

~~the end~~

May 28, 2017

Muryou:LAO,The Assassin Clan[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon