Chapter 8-Hindi ko hahayaang makuha ka ng kahit sino...sa akin.

530 24 0
                                    

Naayos pa namin ang subastahan sa tulong na din ng mga berdugo na pinamumunuan ni Asul o ni Aki. Asul na ang naisip kong itawag sa kanya noong minsan na makalimutan ko ang pangalan niya..kulay asul din kasi ang buhok niya. Ngayon ang huling araw ng pananatili nila dito sa Yuhan. Ang ibang berdugo ay umuwi na sa kanilang bayan samantalang naiwan si Asul kasama ang ilan niyang tauhan..nanatili sila sa bahay sa labas ng bakod ng mansyon at lupain namin kung saan namamalagi din si tay Kage at nay Hinaya.

Pinihit ko ang seradura ng kwarto ni ama at ina. Ipinapatawag daw ako ni ina. Nagbuntong-hininga ako bago ko tuluyang buksan ang pintuan.

"Oh Yuri bunso ko kamusta ka?"

Napalabi ako.

"Ina..hindi naman ako ang bunso kundi si Ren.."isa pa hindi nyo naman ako tunay na anak..sa isipan ko ay aking dagdag.

"Kahit na..ikaw lang ang unica iha ko...Masyadong naging abala ang nakaraang mga araw..hindi na tayo nakapag-usap..."

Kaya lagi akong may kantyaw kay Jin na ako ang paborito ni ina eh. Paano kaya kapag nalaman niya na alam ko na ang lahat..ano kaya ang magiging reaksyon niya?

"Halika nga dito..."

Tinapik ni ina ang upuan sa tabi niya sa sopa bilang senyas na maupo ako sa tabi niya. Sumunod naman ako. Gusto ni ina sinusunod siya kaagad..may pagkadominante kasi siya.

"Kamusta dito noong wala ako?"

"Ayos lang po ina.."

"Kamusta ang mga berdugo? Hindi ba sila gumagawa ng kalapastanganan dito sa atin?"seryosong wika ni ina.

"Hindi naman po..wala na pong problema sa kanila..nalinawan na po sila sa pumaslang sa kanilang pinuno.."

"Palibhasa ay mga walang utak at basta na lamang mga sugod ng sugod.."mataman akong tiningnan ni ina."..eh kamusta naman ang mga tauhan natin..tila nagiging malapit ka doon sa lalaking may puting buhok.."kinabahan ako lalo at mapanuri ang tingin ni ina..kilala ko na kaagad ang tinutukoy niya..si Liu..may alam na kaya siya?matalas din kasi si ina."..at iyong babaeng may puting buhok?"nakahinga ako ng maluwag noong banggitin ni ina si Yona..ibig sabihin hindi pa niya talaga alam.

"Mababait naman ho sila at maaasahan isa pa ay malapit din ho sila kina Ryuu.."

"Ryuu?"nangunot ang noo ni ina habang ako ay muntik ng matutop ang bibig ko..

"E~h..naisip ko pong Ryuu na lang ang itawag kay Ryuu ganoon din naman po ang tawag ni Jin sa kanya..at e-h ni Ren minsan..."sanay kasi si ina na kuya ang tawag ko kay Ryuu.

"Sabagay.."nakahinga muli ako ng maluwag noong ngumiti na si ina.

****

"Nyeta...kinabahan talaga ako doon...tss.."kausap ko sa sarili ko noong makalabas ako sa silid nina ina.

Lumabas ako sa hardin namin.

"Ay~~nyemas!"

Nagulat ako dahil may gumulat sa akin at bigla na lang sumulpot. Paanong hindi ako magugulat eh sobrang tahimik tapos ay may bigla na lang susulpot na parang kabute.

"Hahaha! Hahaha!"

"T arantado ka Asul! Papaslangin kita!"masama ang tingin na ipinukol ko kay Asul na nagsalubong ang kilay.

"Aki sabi ang pangalan ko bakit ba Asul ka ng Asul.."nakasimangot na wika niya kaya napangisi ako.

"Mas gusto ko ang Asul ang pangit kasi ng pangalan mo.."asar ko pero sa halip na maasar siya ay ngumiti siya?

"Ganoon ba..siya payag na ako sa Asul..Uban na lang ang itatawag ko sa'yo.."

"Uban mo mukha mo! Pakyu ka papaslangin talaga kita!"

Muryou:LAO,The Assassin Clan[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon