Prologue

1.9K 47 6
                                    

"Paumanhin po..paumanhin po Pinunong Takeshi..Pinunong  Zamara.."

"Patawadin nyo po ang aking asawa sa paglilihim.."

Kitang-kita ng batang tagapaslang ang pagmamakaawa at pagluhod ng bago nilang mayordoma kasama ang asawa nito na siyang mayordomo naman nila sa kanyang ama at inang tagapaslang noong gayak na papasok siya sa opisina ng mga ito. Si Hinaya na nasa edad tatlumpong mahigit ay may isang taon mahigit pa lang nilang mayordoma. Si Kage na asawa nito ay mayordomo nila na matagal ng naninilbihan sa kanilang pamilya..wala pa sa mundo ang batang tagapaslang na nasa edad limang taon ay nasa poder na nila ang mayordomo mula pagkabata pa lang nito..Isa ito sa nagsanay sa kanya para pumaslang sa mura nyang edad.

"Kailan nyo pa itinatago ang batang iyan dito sa balwarte ng angkan naming mga Lao ng wala naming pahintulot?"nakataas ang kilay na wika ni Zamara sa mag-asawa.

Hindi kaagad nakaimik ang mag-asawa.

Noon lang napansin ng batang tagapaslang ang hawak na bata ng mayordomang si Hinaya.

"Ang sabi ko kailan pa?!"hiyaw ni Zamara na nakapagpapitlag sa dalawa.

"I-sang taon na ho pinuno.."utal na wika ni Kage.

Panay ang siko ni Hinaya sa asawa na tila may pinagtatalunan sila sa paraan ng pagtitinginan nila..

"A-nak ho namin ni Kage~~~

"Alam kong wala kayong anak ni Kage kaya wag mo ng subukan pang magsinungaling Hinaya kundi ay kamatayan ang iyong magiging parusa!"

"Zamara!"babala ni Takeshi sa asawa.

Mababakas ang takot sa mukha ng pobreng nilalang. Alam kasi nito na talagang malupit si Zamara na talagang nakakatakot galitin ang isang tagapaslang. Bakit hindi ito matatakot? Pinaslang ni Zamara sa harap ng lahat ng naninilbihan sa mansyon ang tagasilbi na nang-umit ng kanyang alahas. Dinukot nito ng buhay ang puso ng tagasilbi. Hindi naman kumontra ang asawang si Take dahil mali ang tagasilbi..iyon nga lang kamatayan ang lagiang parusa sa mga nagkakamali sa kanila maswerte na ang mabubuhay.

"Hmp.."ang mabalasik na mukha ni Zamara ay naging maamo habang napapalabi sa asawang si Take. Pagdating kay Take ay iba siya makitunggo.

Napabuntong hininga na lang si Takeshi sa asawa..minsan kasi'y talagang napakamaldita nito at ginagamit ang pagiging Lao at ang katotohanang tagapaslang sila sa pakikipagharap sa kahit kaninong tao.

"Patawadin nyo po ang aking asawa pinunong Takeshi.."lumuhod pa si Kage.

"Tumayo ka na Kage..pinapatawad na namin ang iyong asawa..maliit na bagay lamang iyon. Maaring tagapaslang kami pero para sa akin hindi dapat paslangin ang inosente at walang mabigat na kasalanan."

"Salamat po~~

"Sa isang kundisyon.."

Naputol ang tuwang pasasalamat ni Kage noong magsalita si Zamara.

"Zamara ano na naman ba?"may babalang wika ni Take sa asawa.

"Gusto ko iyong bata Take..gusto ko ng anak na babae..hindi ba't ang sabi ng manggagamot ay hindi na tayo magkakaanak ng babae..."tila naiiyak ng wika ni Zamara.

Nilapitan naman ni Take ang asawa at inalo. Tinapunan nito ng tingin ang mag-asawang Kage at Hinaya na tila hinihingian ng opinyon.

"Hindi naman mapapalayo sa inyo iyong bata kung iyon ang ayaw nyong mangyari..dito pa din naman kayo maninilbihan at ikaw Hinaya ang magiging personal na tagapag-alaga niya..mas mapapabuti ang buhay niya sa amin..ibibigay namin sa kanya ang lahat.."wika ni Zamara sa mahinahon ng pagsasalita.

Nagkatinginan ang mag-asawa pagkaano ay nagbuntong-hininga si Kage.

"Tama si Pinunong Zamara..mas magiging maayos ang buhay ng batang iyan sa kanila kaya ibigay na lang natin iyang bata.."

"S-ige kung iyon ang makakabuti.."kahit napipilitan at ayaw ibigay ni Hinaya ang bata ay ibinigay na din niya.

Tuwang-tuwang kinarga ni Zamara ang bata.

Umalis na ang mag-asawang tagasilbi sa silid na iyon. Napabaling pa ang tingin nila sa batang tagapaslang na nasa may pintuan. Yumukod sila sa bata katulad ng ginawa nila sa magulang nito.

"Oh Ryuu anak nandyan ka pala.."wika ni Takeshi.

"Halika dito Ryuu.."sabi naman ni Zamara.

Lumapit naman ang batang si Ryuu.

"Ang ganda niya hindi ba anak.."wika ni Zamara.

Tumango si Ryuu. Tumawa naman ang sanggol na babae na mukhang natuwa.

"Magkaiba ang kulay ng mga mata niya.."puna ni Ryuu sa kulay puti at lilac nitong mata.

"Oo..mata pa lang niya pangingilagan na kaya mas nababagay siyang mapabilang sa atin..simula ngayon magiging kapatid mo na siya...Yuri ang magiging pangalan niya..Yuri Lao...."

Muryou:LAO,The Assassin Clan[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon