Chapter 14-Walang makakahadlang...

542 21 0
                                    

yuki_tin13

Gawin ko kayang Epilogue na ang next sa chapter na to guys? Sensya na maiksi lang to...

********

"Walang aalis sa inyo..."

Napatingin ako kay ina na mayroong seryosong mukha. Kita ko ang balasik sa kanyang mata.

Ano kayang problema?

Humarang si Ryuu sa harap ko ganoon din ang ginawa ni Ren at Jin na nasa magkabilang gilid ni Ryuu.

Napalaban ba si Ryuu? Bakit may latay siya..o sunog ba iyong nasa katawan niya? Nasunog siya sa sarili niyang kapangyarihan? Pati iyong damit niya nagulanit na..

"Hayaan mo na kami ni Yuri ina habang may paggalang pa ako sa inyo. Buong buhay ko sinunod kita pero sana ngayon sarili ko naman ang sundin ko...mahal ko siya.."

Teka di ba ikakasal na siya kay Mija?

At kung ganoon din alam na ni ina ang tungkol sa amin ni Ryuu..at ganoon din si Jin at Ren?

"Nasaan na ang moralidad nyo?!"

"Moralidad? Bakit kapag pumapaslang ba tayo ay mayroon tayong moralidad?"

"Iba naman iyon!"

"Magkaparehas lang iyon!"

"Hayaan nyo na sila ina!"sigaw ni Jin.

"Tss,ang tanda nyo ng kontrabida ina."-_- wala talagang galang si Ren.

Nakikita kong nawawala na din ang pasensya ni Ryuu.

"Punyeta! Lapastangan!"

"Ryuu! Ina!"nagulat kami noong makalapit agad si ina kay Ryuu.

Ang bilis ng pangyayari may nakatutok na kaagad na patalim sa leeg ni Ryuu naalarma naman si Ren at Jin.

"Kahit patayin mo ako ngayon hindi mawawala ang nararamdaman ko kay Yuri.."

Pwede bang kiligin sa ganitong tagpo?

"Hayaan mo na ang mga bata Zamara
.."inilayo noong dumating ang kamay ni ina na may hawak na patalim sa leeg ni Ryuu.

"Takeshi..."

"Umalis na kayo anak.."

"Takeshi nga wag kang makialam dito!"

At si ina parang nagpalit ng katauhan sa isang bata. Nagpapadyak at naghaba ang nguso.

E-h?

Si ama lang talaga ang katapat niya.

"Sige na ako na ang bahala."wika ni ama na hinapit sa bewang si ina para hindi na makapalag pa. Nakakakilig din silang tingnan.

Hinawakan naman ako ni Ryuu sa kamay at hinila paalis.

"Saan tayo pupunta?"

"Malayo kay ina."tipid niyang sagot.

Hindi.na siya nagsalita pa.

Namataan ko si Yasu at Kara na makakasalubong naming dalawa.

"Ano insan kamusta? Sinusuway mo daw ang reyna ng tahanan..iyan tuloy ang napala mo.."nakangisi na wika ni Kara.

"Kara.."saway ni Yasu na seryoso lang ang mukha.

Nakaramdam ako ng inis. Bakit siya ganoon? Ramdam ko din ang paghigpit ng hawak ni Ryuu sa akin.

"Matigas kasing talaga ang ulo nitong si Ryuu~~"

"Yasu ilayo mo na yang kapatid mo bago pa ako mainis ng tuluyan."

"Kapatid ko oo.."bakit tila may gusto ipahiwatig si Yasu pati na din sa paraan niya ng pagtingin kay Ryuu."Halika na Kara.."

Hinila na palayo ni Yasu si Kara.

"Kung bakit ba naman kasi si Zamara naghahabol sa Yuri na iyan eh may tunay naman siyang anak na babae.."nadinig ko pang sabi ni Kara kay Yasu noong palayo na sila. Kahit kailan hindi niya tinatawag na tiya si ina..basta Zamara lamang ang tawag niya.

Anak na babae? Hindi kaya nakaringgan ko lang iyon?

"Ano ba ang nangyari? Ang sabi ni ina magpapakasal ka na daw kay Mija...."mahina na iyong huli kong sinabi.

Tumigil si Ryuu sa paglalakad kaya tumigil din ako. Hinarap niya ako hinawakan ang mukha ko para magkatama ang aming mata.

"Sa tingin mo ba ay magagawa kong magpakasal kay Mija?"

Napalunok ako sa paraan ng pagtingin ni Ryuu sa akin. Matiim at seryoso.

"K-asi sabi ni ina."

"Tss. Kilala mo ako..walang makakapagpagawa sa akin ng bagay na hindi ko gusto."

"Ano ba ang nangyari? Kailan pa nalaman ni ina?"

"Noong nasa palasyo pa lamang tayo ng Subeta ay alam na niya at iyon ay dahil sa punyetang Aki na yan! Kinasabwat siya ni ina para tayo ay manmanan. Tapos noong tayo ay umuwi na dito sa lupain ng mga Lao ay nagising na lang ako sa espesyal na selda sa ilalim ng ating mansyon."

Napasinghap ako noong maisip ko kung saan nakuha ni Ryuu ang mga latay ng sunog. Kung ganoon hindi nga siya sa mansyon nina Mijame galing.

"Hindi ko maisip na magagawa ni ina iyon sa iyo..."

"Ayaw niyang mawala ka kapag nalaman mo na hindi ka isang Lao..."

"Hindi naman ako mawawala lalo na kung magkakatuluyan tayong dalawa..."

Ngumisi si Ryuu. Noon ko lang naisip ang sinabi ko.

"Para mo na ding sinabi na gusto mo akong maging asawa..Mahal mo na ba ako Yuri?"

Dapat ko na bang sabihin ang nararamdaman ko? Pero hindi ba at iyon naman ang sinabi ko sa sarili ko..na kapag naayos na ang lahat ay sasabihin ko iyon kay Ryuu..

"Oo..mahal na kita Ryuu..."

Nagulat ako nang yakapin ako ni Ryuu ng mahigpit. Naramdaman ko na lang na yumuyugyog na ang balikat niya. Nangunot ang noo ko. Bahagya ko siyang inilayo sa akin.

Umiiyak ang isang Ryuu Lao. Umaagos ang masaganang luha sa mata niya.

"Bakit ka nagkakaganyan? May problema ba?"

"Hindi ko lang akalain na mangyayaring mamahalin ako ng babaeng ang turing sa akin ay kuya..kapatid.."

"Mahal mo akong talaga.."

"Mahal na mahal kita..Hindi si Mija o sinuman kundi ikaw lang ang gusto kong pakasalan Yuri Rashida Lao..."

Bumaba ang mukha ni Ryuu sa akin at ako ay hinalikan...

Muryou:LAO,The Assassin Clan[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon