Chapter 6-Pagtutunggali para sa kapatawaran...

580 26 0
                                    

Hindi ako mapakali hangga't hindi kami nakakapag-usap ni Yuri. Kaninang umaga noong malaman niya na ampon lamang siya ng mga Lao at ngayon nga ay sumapit na ang gabi. Lumabas ako ng kwarto ko.

Pupuntahan ko si Yuri sa kwarto niya.

Noong nasa harap na ako ng kwarto niya ay ilang sandali akong napatigil. Napahawak ako sa susi na nakakwintas sa leeg ko. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba o kakatok ako. Naisip kong kumatok na lang pero nabitin sa ere ang kamay ko nang mapansin ko na nakaawang ang pintuan ng silid niya. Nagsalubong ang kilay ko. Binuksan ko ito. Nagulat ako sa nabungadan ko. Napakagulo ng kwarto niya na nagkalat ang lahat ng mga gamit at mga natumba,ang ilan naman ay mga nabasag na o sadyang binasag. Nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Pumasok ako sa silid niya at nagdiretso sa kabinet niya. Marahas ko iyong binuksan at nakahinga ng maluwag noong makita ko na nandoon pa ang mga damit niya.

Tang ina buti at hindi niya ako iniwan!

Parang nagkakakutob na ako sa magulo niyang silid...

Bumaba ako sa hagdanan papunta sa unang palapag ng mansyon namin.

Nang may maramdaman ako na malakas na aura.

"Amo! Among Ryuu! Sa gubat ho! Si Miki ho!"

Madidinig ang malakas na atungal ni Miki. Kapag ganoon si Miki ay tinatawag niya ang amo niya.

Si Yuri.

Hindi ko na inintindi pa ang tauhan namin at mabilis na tumakbo sa gubat. Sa bungad pa lamang ay nakita ko na si Miki. Panay ang paling niya ng ulo niya sa iisang direksyon itinuturo niya sa akin ang isang bahagi ng gubat. Sumakay ako sa kanya. Mabilis si Miki sa kabila ng pagiging malaki niya kaya nakarating kami kaagad sa mga natumbang mga puno. Kaagad akong bumaba sa kanya at tinalon na lang ang mga sanga ng puno hanggang sa makarating ako sa parte na may espasyo sa gitna.

..at sa gitna noon ay nandoon si Yuri..

Nakatalikod siya sa direksyon ko at may hawak na dalawang malaking espada.

"Ryuu..."

Kasing lamig ng yelo na wika niya sa pangalan ko..

Lumingon siya sa direksyon ko..

..at hindi nga ako nagkamali...

Kasing lamig ng boses niya ang paraan ng pagtingin niya sa akin..

Naglabasan ang mga ugat sa gilid ng kanyang mata. Nagkaroon siya ng pangil. At ang mga daliri niyang nakapalibot sa espada ay may mahahabang kuko..

Ang kanyang isinumpang anyo..

Ang nakapipinsala niyang anyo..

Hindi ko inasahan ang ginawa niyang paghagis sa isang espada buti na lamang at mabilis ang repleksyon ko at nasalo ko ito. Medyo nanibago ako dahil napakabigat ng espada..ginagamit kasi namin ito kapag nagsasanay.

"Tatanga ka na lang ba dyan o tatapusin ko ang buhay mo Ryuu Lao..."

Ang sakit..

Siguro nga ay kailangan namin ito..

Kailangan niya ito..

..kaya pinili ko munang wag isipin ang nararamdaman ko kahit ngayon lang...

Iwinasiwas ko ang espada upang sanayin ang sarili ko sa bigat nito. Hindi naman nagtagal ay nangyari nga iyon.

Nakita ko ang pag-ngisi ni Yuri..ngising demonyo..

Nawala na lang siya bigla sa harapan ko..

"Bumabagal ka.."

Muryou:LAO,The Assassin Clan[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon