Chapter 5

2.4K 93 35
                                    

Chapter 5- Empire Academy

Francine's Point of View

Ginising ako ni Manang Celia ng hindi ko alam kung bakit.

"Francine, gumising kana baka ma-late ka!" Sambit nito huh, ako male-late saan?

"Manang linggo po ngayon, anong late po ba ang pinagsasasabi niyo?" Inaantok ko pang tanong.

"Nako ija, lunes ngayon kaya nako dalian mo baka hindi makapag-" Hindi ko na siya pinatapos pa.

"Huh? Ano po lunes ngayon? Hala patay!" Hala pakshet may pasok na pala baka ma-late nga ako.

"Oo nga patay ka talaga kaya dalian mo na't dahil kanina pa naghi-hintay ang kambal sa labas baka mag-init nanaman ang ulo ni Sir. Kyle." Wika nito.

"A-ah sige po maliligo na ako!" Tango na lamang ang naisagot nito at umalis na kaya ako naman ay nagmadali naligo, nag-bihis at onting ayos lang naman okay nato.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba, paglabas ko wala nakong nakikitang dalawang lalake at kotse na black na tatak ay LAMBORGHINI oh kabooooog big letter pa yan charot! Pero seryoso tsk iniwan na ata nila ako.

No choice ito ako nasa daan at naglalakad at nagtatanong nalang din kung saan ang Academia na 'iyon kasi meron din naman akong nakikitang mga estudyante| Ang kaso hindi ko sila masabayan dahil nga naka kotse sila o mapa motor man o mapa bike ay mabilis silang nawawala sa paningin ko at isa pa hindi ko alam ang lugar dito no! Baka maligaw ako rito.

*SCRATHHHHHHHH*

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Bigla akong nabangga ng sasakyan mula sa likod.

Bumaba ang lalaking naka school uniform din at parehas din kami ng suot, shet gwapo ni bes|

"What the! Are you okay miss?..." Ay tinatanong niya pa ba? Hindi niya ba alam na masakit. "May masakit ba sayo?..." Oo nga ang sakit nga! "Miss?" Agad akong nabalik sa ulirat ng sumigaw siya kaya napatingin ako sa kanya. "Miss gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" Alalang tanong niya fafavels niya naman ugh! Pagbigyan niyo minsan lang 'to HAHAHAHA.

"Ha? Ahh oo ayos lang ako wag mo na 'kong dalhin sa hospital nakakahiya. Gagaling din 'ito!" Wika ko at sinubukang tumayo pero.... "Ouchhhhh araaaaaay!!!" Hindi pala ako okay ughhhhh ang sakit.

"Miss, hindi ka okay tulungan na kitang tumayo at sumakay kana sa kotse ko dahil dadalhin kita sa hospital" Sambit nito at inilahad ang kamay niya sakin agad ko namang tinanggap iyon at dahilan para makatayo ng maayos..... Ang lambot ng kamay niya OMYGED!!!

"H-ha!? Ah nako hindi kaya ko panaman medyo na'out balance lang talaga siguro ako kaya ganon. Tsaka first day ng klase hindi ako pwedeng ma-late ikaw din sa same school pa naman tayo nag-aaral| Kaya wag mo na 'kong dalhin sa hospital." Tugon ko naman rito na pinilit parin ang pumasok kaysa sa hospital na 'yan jusko wala is me pambayad no!

Tapos... Tapos nakakatakot yung mga karayom na malalaki argh ang laki. Katakot.

"Oo nga pansin ko rin nga, but i'm trully sorry what I did a few minutes before... Sigurado ka 'bang okay ka lang talaga?" Paninigurado muli niya| Paulit-ulit siya.

"Ano ka ba onti bangga lang naman! Tsaka kasalanan ko din naman kung bakit mo ko nabangga nakaharang kasi ako medyo sa daanan na 'ito kaya wag kang mag-sorry, oo okay lang ako!" Paninigurado ko rin rito at saka ngumiti siya kaya ngumiti rin ako pabalik ang hertttt niya talaga parang anytime mahihimatay ako rito eh langya ngiti palang nakakapatay na agad.

Maid Ako Ng BadBoy TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon