Chapter 8

2.1K 96 25
                                    

Chapter 8- Stick O

Francine's Point of View

Dalawang araw na magmula nang maganap ang lahat ng pangyayari at ng maaksidente si Ashley at ang tatlong lalaki na iyon pero nilakasan namin ang mga loob namin at patuloy na nagdarasal|

Magaling na rin si Ashley nagpapahinga na lang siya at sabi ng doctor ay makakalabas na rin siya bukas dahil sabado ngayon at walang pasok maglilinis muna ako ng mansion bago bumisita sa kanila.

Tinulungan ko si Manang Celia sa paglilinis ng mansion at pa tapos nilinis ko ang kwarto ng dalawang asurot dahil wala naman sila rito! Pag tapos ko sa lahat ay naligo na rin ako at nag-ayos.

Matapos kong gawin na lahat ay pumunta muna ako sa office ni Mr. Lopez para magpaalam.

*Tok...tok...tok...tok...*

"Come in!" Tugon nito kaya gaya ng sabi ni Mr. Lopez ay pumasok ako.

"Oh! Francine ikaw pala magandang tanghali, do you need something?"

"Magandang tanghali rin po Mr.Lopez, gusto ko lang hong magpaalam pupunta po ako ng hospital para dalawin sina Ashley."

"Ahhhh okay. Sige pero dapat bago mag alas-nwebe ay nandito ka na! Dahil delikado na sa daan."

"Sige po sir maraming salamat po, maiwan ko na ho kayo!" Bati ko rito at tango na lamang ang naisagot nito kaya umalis na ako.

Nag-bike lang ako papunta sa hospital dahil wala naman akong masasabayan kung sasakay pa ko maglalakad muna ako edi parang ganon lang din.

Nang makarating na ako ay agad akong pumasok ng hospital at sumakay ng elavator.

Magsasarado na sana ito nang may biglang 'pumasok na lalake nakayuko ito pero 'matatakot ka na agad dahil sa awra at suot niya naka black jacket at naka'cap habang nakayuko pa rin at nakatingin lang sa babang direksyon nagkibit-balikat na lamang ako at pinindot ang 7th floor pero siya naman ay ipinindot ang 9th and 11th floor hmmmmm.... Wierd.

Nandito na ako sa tapat ng pinto nila Ashley bigla ako nakaramdam ng kaba|Ewan ko ba pero may tumulak parin sa akin para buksan ito kaya pag bukas ko ay tulog silang lahat... Pfft ang kalat naman.

Maingat kong isinarado ang pinto at pinagmasdan sila isa-isa tsk ganito ba talaga sila? Sabagay napagod din naman sila pero grabe ang kalat.

Inilapag ko ang dala kong mga prutas na para kay Ashley at sa mga lalaki na mahimbing rin na natutulog.

Inumpisahan kong damputin muna ang mga kalat ng chips at kung ano ano pang nasa sahig at lamesa|Nang matapos 'kong damputin ay kinuha ko ang walis sa may gilid at nagwalis ng mahinhin dahil panigurado akong pag gising ang mga kolokoy's na 'to mandidiri at kung ano-ano ang sasabihin nila alam mo na pag rich'kid hindi marunong sa gawaing bahay. Lol!

Matapos kong maglinis sa silid na ito ay umupo ako sa tabi ni Kyle na natutulog rin tsaka no choice doon lang ang bakanting upuan at hindi ko na iyon tinanggihan pa dahil sa sobrang pagod ko|

Bigla din akong nakaramdam ng antok kaya napagpasiyahan ko na 'ring matulog muna.

Kyle's Point of View

Tila'y pagod na pagod siya sa paglinis ng kwartong ito kaya naka-tulog na rin siya|Mula sa umpisa niyang pag pasok alam kong siya iyon nakita ko rin ang paglagay niya ng mga prutas sa lalagyan at ang paglinis niya nga rito.

Dahil gising ako at hindi naman talaga tulog nang matapos siya umupo siya sa upuan kung saan katabi ko siya ngayon. Halatang pagod ang nakapag-patulog rito.

Maid Ako Ng BadBoy TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon