Chapter 19

1.7K 64 23
                                    

Chapter- Bar

Francine's Point of View

"FRANCINE!" Sigaw ni Ashley 'sakin.

"Bakit?" Iritadong tanong ko.

"Aba 'ikaw pa ata nairita diyan sapakin ko yang mata mo nako nako Francine tigil-tigilan mo ko huh| Halos bumaluktot na yung kutsara sa ginagawa mo." Napatingin naman ako sa kutsara na hawak ko at bigla ko tong naitapon sa sahig ng makita kong halos bumaluktot na nga ang kutsarang hawak ko.

"Oh ano? Kakatitig kasi hindi na alam ang ginagawa." Bulong ni Ashley at alam kong pinarinig niya talaga yon dahil alam niya na tinititigan ko si Kyle at Rianne|

Grabe naman kasi tsong kung magsubuan ang dalawa bwiset dinaig pa ang dalawang mag-bf/gf sa ginagawa nila tss dito pa nag-PDA sa harap namin| Teka nagseselos ba ko? Tsk sa kanila ako? Magseselos pakyu sagad Kyle.

"Cr lang ako!" Pagsisinungaling ko at hindi ko na inantay pa ang mga sagot nila agad nakong tumayo at hindi ko alam kung saan ako pupunta|

Hindi ko na kayaang paghaharutan nang dalawang yon nakakalanggam na sila| Hindi ba nila alam na maraming naka-upo sa table na inuupuan rin nila at kami yon bes... Kami yon|

Bat ba nagkakaganito ako hindi naman ako nagseselos diba diba? Ugrhhhhhhhh

"Hoy yung 'ihi mo tinagal ng 30 minutes yun pala nandito ka at nakaupo sa oval ano magmumukmok ka?" What the Ashley naman talaga hanggang dito ba naman?

"Wala ang init kasi kaya pagtapos kong umihi lumabas aad ako para magpunta dito mahangin pa." Kasinungalingan nanaman ang masabi ko kainis.

"Weh? Sabihin mo nga nagseselos kaba huh?" Sabi niya't biglang nag smirk.

"Ako? Ohh c'mon ako nagseselos? Natatawa tuloy ako sa tanong mo wahahahahaha!" Sabi ko with sarcastic laugh tsk.

"Ayaw pang aminin ng gaga!" Bulong niya kaya hindi ko narinig.

"Wala tara na may practice tayo tumayo kna diyan!" Tumayo na siya at iaabot ko na sana yung isa kong kamay sa kanya para itayo ako pero nilagpasan niya lang ako aba walang modo ang babaeng to, kainis|

Pumantay naman ako ng lakad sa kanya at tinanong ko siya kung sino si Rianne at pano nila nakilalang magbabarkada 'iyon| Kwinento niya naman sakin lahat|

At yung Frans pala na tinutukoy niya at napagkamalang ako ay patay na raw, super close daw pala sila 'non hindi lang daw nakaget-over dahil namatay ang kaisa-isa niyang bestfriend at tinurin niya 'ding kapatid.

Bigla nanamang sumakit yung ulo ko... Pero hindi ko pinahalata kay Ashley. Hindi ko alam kung meron ba ko ngayon kaya ako nagkakaganito eh.

"Okay guys gawa niyo naba lahat ng pinapagawa ko?" Tanong ni pres.

"Yes ma'am/Opo pres... Hahahahahaha." Sigaw naming lahat kaya tumawa kami agad pero sa kalagitnaan ng mga tawa namin may dalawang tao ang biglang sumingit| Sino pa ba edi si Kyle at Rianne.

"Hi guys!" Bati ni Kyle wow ha ganadong-ganado siya talagang magka holding hands pa aila niyan ha.

"Ate Angela... I miss youuuuuuuu." Biglang yumakap si Rianne kay pres agad naman itong rumisponde sa yakap niya sa sobrang tuwa.

"Hey I miss you too, kamusta kana Anne?" Saad ni pres.

"I'm okay uhmmm slight| I didn't know na ganon pala ang nangyari kay Frans at kung babalikan ko ang past na yon mas lalo akong malulungkot dahil sa pagkamatay ni Frans." Tugon niya ang kaninang luha na pinipigilan niya ay bumagsak na.

Maid Ako Ng BadBoy TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon